BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

DOLE ORDER118-12 FIXED SALARY RATE SA MGA DRIVER KONDUKTOR, BAWAS AKSIDENTE KAGINHAWAHAN SA KANILANG MGA PAMILYA



EDITORYAL Vol. 9 Blg. 50 - HINDI biro ang bilang ng mga naitalang aksidente sa daan, at bilang ng mga naging biktima  bunga ng pakikipagkarerahan ng mga Public Utility Buses upang makakuha  ng mga pasahero. 


Sa mga naitalang mga aksidente, sa mga isinasagawang  imbestigasyon, kadalasang idinadahilan o alibi ng   driver ay ang pagkawala ng preno ng minamanehong bus, subalit kadalasan din na lumilitaw sa imbestigasyon  ay ang pakikipag karera sa mga kapwa bus upang makakuha ng pasahero upang makakumpleto ng  boundary at kumita ng malaki dahil sa karamihan sa mga ito ay kumikita sa pamamagitan ng komisyon.


Dahilan din ang sobrang pagod at puyat sa pagmamaneho  ang mga bunga ng aksidente sa paghahangad na kumita ng malaki na maiuuwi sa kani kanilang mga pamilya. Dahilan upang maipanukala, magkaroon at  makakatanggap na ng  perma-nente o fixed salary rate ang mga driver ng pampasaherong bus at konduktor  sa buong bansa.na pasisimulan sa Hulyo 1,alinsunod sa Department of Labor And Employment(DOLE)  Order 118-12.


Batay sa kautusan, bukod sa regular na sahod na hindi bababa sa itinalagang minimum sa-lary sa rehiyon,  maaari na ring makapag-holiday na may kaukulang sahod, day off sa loob ng isang linggo at makatanggap ng  overtime pay; night dif-ferential pay; at 13th month pay ang bawat bus driver.


Maaari ring maka-tang--gap ng komisyon ang bus driver bukod pa sa kanilang regular monthly wage. Ayon sa DOLE na maaaring bayaran ang kanilang limang araw na leave sa loob ng isang taon; babayaran din ang mga ito ng maternity leave ng 60 araw para sa normal delivery at 78 araw para sa caesarian delivery; paternity leave ng pitong araw; parental leave ng pitong araw para sa mga solo parents; 10 araw na bayad na  leave para sa mga biktima ng violence against women and children; babayaran din ang leave ng mga babae na sumasailalim sa surgery dulot ng gynecological disorder at  retirement pay sakaling umabot sa edad na 60.

Maaari na ring magkaroon ng Philhealth, SSS, Pag-IBIG at iba pang wage-related benefits ang mga bus  driver at konduktor bu-kod pa sa sa security of tenure sa ilalim ng batas. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng permanenteng sweldo at mga benepisyo sa mga driver at konduktor ay mabawasan na rin ang mga aksidenteng ang sangkot ay ang mga pampasaherong mga bus.at sa pamamagitan din ng kautusang ito ay  mabibigyan ng kaginhawahan ang kanilang mga pamilya at kasiguruhan na makapamumuhay ng maayos sa oras ng pagreretiro. 

No comments:

Post a Comment