BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

BRYAN DELA CRUZ, HINDI TATAYO ANG BALAHIBO KO SA PANININDAK MO!!!

TRABAHO ng isang reporter ang magpahayag ng katototohan.

Bilang sinumpaa ng trabaho at propesyon, trabaho la mang at wala ng personalan ang isiwalat ang anumang katiwalian, ibilad kung anumang anomalya ang nalalama na base sa mga ulat at impormasyong nakakalap at naiimbestigahan.

Sa loob ng labing walong taon natin sa pamamahayag, dumating na sa buhay natin ang lahat ng uri ng pagbabanta sa sarili nating buhay.

Bahagi na ito ng buhay  ng  isang mamamahayag, sa loob ng 18 taon natin sa  larangan  ng pamamahayag,  isang beses natin natikman ang kasong libelo (libel) subalit dahil sa mga  ebidensyang nagpapakita ng katototohanan ay iniurong ang demanda sa atin. 

Ilang pahayagang nasyonal (national newspaper) ang ating pinagsulatan bago natin narating ang ating kinalalagyan mula sa pagiging Photo Journalist, naging  isang Police Beat Reporter/Chief  Reporter Kolumnista at sa kasalukuyan ay ang pagiging Editor in Chief sa dalawang lokal na pahayagan (Operation Expose at North South Journal).

Sa loob din ng marami ng taon na nagdaan sa ating buhay bilang mamamahayag ay naging bahagi na tayo ng Cavite City Police Station ang tinagurian kong mother station sa pagkalap ng mga balita at naging bahagi ng kapulisan sa pagsama bilang tuma tayo ng testigo (witness) sa mga Police  Operation partikular sa mga Search Warrant Operation na kailangan ang isang kaanib ng Media na tatayong testigo.

Sa loob din ng mga nasabing panahon ang lahat ng istoryang ating nakakalap ay ibinabase natin sa Spot report na galing sa istasyon ng pulisya sa synopsis, kung minsan ay sa sinumpaang salaysay ng biktima upang ilahad ang tunay na pangyayari at ang katototohanan.

Kahit kailan hindi tayo nagsulat ng buhat sa kathang isip o dala ng  sarili nating imahinasyon. 

Sa isang spot report mula sa Cavite City Component Police Station CCCPS020612-15 VIOLATION OF RA8294 (Amended Laws on Illegal Possesion of Firearms, Ammuntions PD 1866) VIOLATIONS OF  SECTION 11& 12 RA9165 (Illegal Possesion of Illegal Drugs and Paraphernalias) sa bisa ng isang Search Warrant na may Order number 02-2012 dated January 26, 201 2 na inisyu at nilagdaan ni Hon. Judge Agapito S. Lu Branch 88 Cavi te City ay ipinatupad ang Search Warrant na nagbunga ng pagkaaresto ng isang BRYAN DELA CRUZ Y FULTON 32, anyos binata jobless, residente ng 141 Escobar Street Dalahican Cavite City at pagkakumpiska ng mga ebidensya.

Kabilang sa mga ebidensyang ito ay ating nakunan sa pamamagitan  ng camera sa isinagawang Search Warrant Operation at nasa ating posesyon.


Inilathala ito sa ating pahayagan Operation Expose Volume 9, BLG. 31 Pebrero 12-18 2012 na may "TITULONG BINATA NAARESTO SA BARIL BALA AT DROGA" na ang larawan din ng mga nakumpiskang ebidensya.

Hunyo 6, sa pagitan ng mga alas 5:30 alas 6:00 ng hapon, sa mismong istasyon ng pulisya sa may parking space malapit sa  tanggapan ng mga kumukuha ng Police Clearance haba ng tayo ay nakaupo sa isang  mahabang bangko kausap ang mga barkada ni Bryan Dela Cruz  na dumalaw sa kapatid nitong si Michael Dela Cruz na nakakulong dahil sa pananampal, panunutok ng baril at kasong direct assault ay lumapit ito sa ating kinauupuan  na nagsabing "HINDI MO ALAM ANG BUO KONG PAGKATAO ISINULAT MO AKO" na sa tono ay may halong pananakot na sinagot natin na "MAGDEMANDA KA KUNG MALI ANG SINULAT KO NASA SPOT REPORT YUN AT HINDI AKO MARUNONG GUMAWA NG MALING STORYA!!!"

May ilang beses ko ng nakakaharap itong si Bryan De la Cruz sa himpilan ng pulisya at alam niya na ako ang 
kasama ng mga pulis at nina Col Javier sa Search Warrant Operation  alam niya na ako ang sumulat ng storya sa dyaryo. Pero hindi ako nito pin apan s in, pal ibhasa nataon na wala si hepe at may dinaluhang miting at sa pagaakala nitong wala akong pulis na kasama ay nagsalita ito ng ganun.

He hehe ang ‘di nito alam iyong isang katabi ko ay pulis, na kinuha lamang ang motorsiklo na hindi naka-uniporme dahil sa off duty.

Hindi mo rin alam Bryan ang pagkatao ko!!! Hindi ako ang SUMIRA  ng PAGKATAO mo KUNDI IKAW. Hindi mo ako kayang sindakin!!!

Kung gusto mo lang akong pahiyain sa barkadang mga kausap mo at SINDAKIN sa mga salita mo! Nagkakamali ka isa lang ang sasabihin  sa iyo. HINDI TATAYO ANG MGA BALAHIBO  KO  SA KATAWAN SA PANINIDAK MO!!!
HOTSHOTS
By: REY MORALES│Operation Eposé Vol. 9 Blg. 48 June 10-June 16, 2012 issue














No comments:

Post a Comment