BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

“Bawal ang Lagay sa Kapitolyo” –– Gov. Jonvic Remulla


“Tapat sa usapan, Tapat sa bayan” – Ito ang pamantayan ng pamahalaan ng Kapitolyo sa pamumuno ni Governor Jonvic Remulla.  Katunayan nito bawal ang lagay sa kapitolyo. Lahat na mga proyekto sa kapitolyo ay walang “tongpats”kaya nabibigyan ng nararapat na tulong ang mamamayan ng Cavite.  Ito ang binigyang diin ni Governor Jonvic Remulla sa kanyang pahayag sa ginanap na Ugnayan sa Barangay sa bayan ng Noveleta.

Ayon sa Governor, sa kanyang panunungkulan siya na mismo ang lalapit sa mga kabitenyo na hindi na makapunta sa kapitolyo. Kasama na sa gawain ng butihing gobernador ang pagbisita at pagbigay ng kasiyahansa iba’t-ibang bayan. Labis naman ang kasiyahan ng mga taga Noveleta ng dumalaw ang gobernador. Namigay ito ng bigas at nagkaroon ng pa raffle kung saan may nakakuhamula isang libong piso hanggang sampung libong piso. Nagbigay din ng on the spot scholarship si Gov. Remulla sa isang ginang na may estudyante sa kolehiyo.

Ang buong pwersa ng Noveleta kasama sina Mayor Boy Alvarez, Vice Mayor Eric Garcia, at mga kosehal ng bayan, kasama ang mga bisita mula sa Rosario sa pangunguna ni Vice Mayor JhingJhing Hernandez at mga konsehal, Vice Mayor Gilbert Gania ng Kawit at mga konsehal, dating Mayor Toti Paredes ng Cavite City at 1st  District Board Member Dino Chua na nagbigay din ng kanilang suporta sa gobernador.

No comments:

Post a Comment