BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

BARANGAY 58M NAGLILINIS NG DALAMPASIGAN AT MGA DAAN


NAGSAGAWA ang Barangay 58M tuwing Sabado ng umaga ng paglilinis ng mga kalye at dalampasigan nasasakop ng Bacoor Bay sa may Baryo San Jose sa pamumuno ni Kapitan Kerwin Mendoza at ang mga kagawad na sina Jun Loredo, Dennis Policar, Rogel D. Ordoñez, Joselito O. Picache, Melanio Montefalcon, Soledad I. Mosi at Nayla B. Gonzales. Kasama rin ang barangay Secretary na si Jose de los Reyes, Barangay Treasurer Leslie Rebano, Chief Tanod Jaime  Gaje at ang SK Chairman Jerome delos Reyes. Nagsimula pa sila noong ika-12 Mayo at nakakalimang sabado na sila ng paglilinis. Isinasagawa nila itong gawain na ito alinsunod sa kautusan ng DSWD na apat na P (Pantawid Pamilya Programang Pilipino).


Ang  magandang gawain na ito ay ipinatupad upang ang mga tao ay masanay sa magandang kaugalian na malinis na kapaligiran ay magandang tignan at malayo sa mga sakit dulot ng mga basura. 

Ang mga kasapi ng 4 na P (Pantawid Pamilya Programang Pilipino) ang nagsasagawa ng paglilinis.

• Ang mga kasapi ng apat na P (Pantawid Pamilya Programang Pilipino) na naglilinis ng dalampasigan at mga pasilyo at daan kasama si Kagawad Jun Loredo sa Brgy. 58M Barrio San Jose,
San Roque, Cavite City.

No comments:

Post a Comment