Sa darating na June 23 ay gaganapin na ang Plebisito para sa pagiging lungsod ng Bacoor. Ito ang araw na inaasahang maririnig ang sama-samang tinig ng mga Bacooreno para sa tuloy-tuloy at mas pinaigting na serbisyo sa Bacoor kaalinsunod ng pagiging lungsod nito. At upang mabigyan ng karagdagang kaalaman ang kanilang mga kababayan tungkol sa mga karagdagang benepisyo sa pagiging syudad, si Mayor Strike B. Revilla kasama si Congw. Lani Mercaco Revilla at mga myembro ng Sangguniang Bayan ay lumilibot sa Bacoor at nagsasagawa ng mga talakayan sa 73 barangays nito. Bukod dito, dala-dala din ng lokal na pamahalaan ang iba’t ibang programa ng TESDA, sa pamamagitan ng Livelihood Office sa pangunguna ni Ms. Lita Fabian-Gawaran, tulad ng Libreng Gupit at Libreng Masahe.
• Cityhood Caravan sa Brgy. Dulong Bayan
• Cityhood caravan sa para sa mga residente ng Brgy. Zapote 1 at Zapote 2
• Si Mayor Strike sa cityhood caravan sa Brgy Real 1 at Mabolo 3
• Si Mayor Strike kasama ang mga residente ng Barangay Zapote 5
• Mayor Strike, Congw. Lani Mercado Revilla, mga myembro ng Sangguniang Bayan at barangay officials sa Salinas 3 at Salinas 4
No comments:
Post a Comment