BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

ATE LANI, TINABLA NG UNA Bong Revilla, kakampi na kay PNoy?


KINUMPIRMA ng isang malapit na political adviser ni Sen. Bong Revilla na ito ay nagbabalak na makipagkoalisyon sa Liberal Party upang mabigyan ng slot sa senatorial slate ang kanyang maybahay, si Cavite 2nd District Congresswoman Lani ‘Ate Lani’ Mercado.


“Tampong-tampo talaga si Sen. Bong sa UNA, kasi tinabla ang request niya na maisali sa senatorial ticket si
Ate Lani,” sabi ng isang Bokal ng Cavite sa pahayagang ito, na nakiusap na ‘wag nang banggitin ang kanyang pangalan.


Ayon sa Bokal, kinumpirma sa kanya ng adviser ng senador, isang mataas na opisyal sa Kapitolyo ng Cavite provincial government na naghihinala si Revilla na hinarang ng kumpare at kapwa senador, si Senate President ProTempore ang pasabi ni Ate Lani na nais niyang maisama sa tiket ng United National Alliance (UNA) ng mga tatakbong senador sa 2013.


“Pinakikinggan ni Vice President (Jojo) Binay ang opinyon ni Jinggoy, at ang bulung-bulungan, no comment daw si Jinggoy tungkol sa pagiging isa ni Lani sa magiging official candidate ng UNA,” pahayag ng Bokal. 


Dagdag naman ng isa pang Bokal, gumagawa na raw ng “tulay” si Revilla sa kampo ni 3rd Cavite District Congressman Ayong Maliksi para makausap si Pangulong Noynoy Aquino para maging “guest candidate” si Mercado Revilla sa tiket ng Liberal. 


Chairman ng Cavite Liberal Party si Maliksi at kilalang sobrang malapit sa Pangulo at kung ang kongresista ay “makikialam” sa pagpili sa mga kakandidatong senador, “may bigat sa Pangulo ang anomang sasabihin ni Ayong.”


Walang  kumpirmasyon ang kampo ni Maliksi kung totoo ngang may emisaryo na ang senador ng Cavite para sila ay magkausap tungkol sa kahilingan ng asawang si Congw. Mercado.


Umaasa raw si Revilla na mapagbibigyan siya sa kahilingang maisama ang kanyang asawa, bilang pagtanaw ng utang na loob ng Pangulo sa pagboto ng senador ng “guilty” sa conviction ni dating Chief Justice Renato C. Corona sa natapos na impeachment trial.

Pangulo ng Lakas-CMD si Revilla na nang bumotong maysala si Corona, nabalitang labis na nagdamdam si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, dating lider ng Lakas-CMD. Ayon kay Revilla, hindi niya sinuportahan ang partyline na i-acquit si Corona dahil sa kanyang personal conviction na i-convict ang dating punong mahistrado bunga ng kusang pagtatago nito sa SALN ng multi-milyong piso ng deposito at 2.4 milyong US dollar na nakabangko.


Kamakailan din, pumirma si Revilla sa isang waiver na pinapayagan niya ang Ombudsman na uriratin ang lahat ng kanyang depositong pera, kasama ang dolyar kung mayroon man siyang naitatabi sa mga bangko sa bansa.











ATE LANI, TINABLA NG UNA Bong Revilla, kakampi na kay PNoy?
By: ELI TAPARAN │Operation Eposé Vol. 9 Blg. 48 June 10-June 16, 2012 issue

No comments:

Post a Comment