BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

ANO ANG MGA REKOMENDASYON PARA MATULUNGAN ANG MGA ATLETA PARA MAPABABA ANG BIGAT


SPORTS DIMENSION
ANG mga atleta ay dapat magpababa ng bigat sa panahon na hindi marami ang gawain o ang tinatawag na “off-season”. Sa panahong ito ay hindi dapat lumampas sa isang (1) kilo kada isang linggo, para mapanatili ang malamang kalagayan ng katawan. Sa panahon na nag-eensayo, mas lalong hindi praktikal na magbawas din ng timbang sa kadahilanang may masamang epekto ito sa kahusayan ng atleta. Gayunpaman, para mapababa ng kalahating kilo kada linggo ng taba, kinakailangan na bawasan ang pagkain ng matataas sa calorie na hindi bababa sa 500 calories kada araw. At kung kinakaliangang 1 kilo kada linggo, mangangailangan naman ng 1,000 calories kada isang araw. At kung ninanais na magbawas ng lagpas sa 1  kilokada linggo, ang atleta ay mangangailangan ng isang sports dietitian upang at matingnan ang kanyang pagkain.



Ang rekomendasyong 1 kilo kada isang linggo ay maaaring hindi rin mabuti sa ibang atleta. Ang laki ng pangangatawan, porsyento ng taba sa katawan, at mga pangangailangan para sa napiling sports ay ang ilan lamang sa mga panuntunan na dapat bantayan bago magkaroon ng pagpaplano ng pagpapababa ng timbang.


Sa mundo ng boksing, malaki ang epekto sa biglaang  pagpapababa ng bigat o timbang ng isang manlalaro. Nakapapanghina na parang nakapanglalata ang ganoong  gawain, lalo na kung hindi ito tama. Makikita sa mga mata,  at paglaylay ng mga kalamnan ang ilan sa mga epekto. Sa kabaligtaran naman, kung magpapabigat ang isang atleta, hindi rin ganun kadali. Dahil maaaring magpagal sa atleta ang biglaang pagdadagdag ng timbang. 


Mapadagdag o mapabawas ng timbang ng wala sa tamang pagpaplano ay malaki ang epekto sa lahat ng tao,  hindi lamang sa mga atleta. Sa biglaang pagpapababa, nandyan ang biglaang pagkakaroon ng hindi inaasahang pagkasira ng ilang lamang loob (internal organ), pagkakaroon ng diabetes, at pagpapababa ng dugo sa sistema. Malaking pagbabago ang kinakailangan upang hindi mabigla ang pangangatawan sa gusto lamang na mapababa ang timbang.


Para naman sa mga kabataan, marami ang mas madaling gumaan o magbawas ng timbang, ngunit sa mga may edad na, maaaring mapeligro ang inyong kalusugan, sanhi ng pagbabago sa inyong timbang. Magulang  na kasi ang inyong sistema at mabagal na itong humabol sa maaaring pagbabago, kumpara sa mga kabataan na madaling mabago. 


Sa lahat ng sports, hindi biro ang ganitong pagbabago ng timbang, ang tamang rekomendasyon ng mga expert ay kinakailangan, at hindi dapat ito tratuhin lamang ng pansariling kakayahan. Gayunpaman, kung may disiplina sa sarili, maaari pa ring masubok sa peligro dahil mahabang proseso ang ganitong gawain at hindi maituturing na “instant” na parang kape o noodles na maaari mo lamang buhusan ng mainit na tubig, tanaaa….luto na o pwede ng matunaw ang taba. 


Minsan nga, ang mga taong nagkakasakit ay bigla bigla na lamang gumagaang, subalit, pipiliin mo bang magkasakit para lamang magbawas ng timbang? Siyempre, hindi. Mahirap na, baka magtuloy tuloy ang pagbabawas, eh hindi mo na ito mapigilan at magkaroon ng komplikasyon sa kung saan saan pang parte ng katawan.


Totoo na nanaisin nating mapabuti ang ating pangangatawan, subalit, hindi ito biglaan, at hindi rin ito makukuha sa simpleng pagkilos. Tamang pagpaplano at pagkonsulta sa mga expert.
Hanggang sa muli. 

SPORTS DIMENSION
By: EMAN CAYABYAB│Operation Eposé Vol. 9 Blg. 48 June 10-June 16, 2012 issue








No comments:

Post a Comment