BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

2 Buwang Sanggol Iniwan sa Kalsada - WALANG PUSONG INA!!!!

PINAGMAMASDAN ni SPO1 Marco Mallari , duty desk
officer ng Cavite City PNP sa 2 buwang sanggol na
lalaki  na iniwan sa tabi ng kalsada sa panulukan ng
Zulueta, at Cabezas  Street San Roque na nakasilid
sa isang shopping bag. 
Cavite City - ISANG malaking katanungan sa panig ng mga tauhan ng pulisya, sa kung anong mabigat na dahilan ang nagtulak sa isang ina upang iwanan ang isang 2 buwang sanggol na lalaki sa tabi ng kalsada sa  panulukan ng Zulueta at Cabeza Street sa San Roque Cavite City,. na nakasilid sa isang itim na shopping  bag na natagpuan ng isang gin ang nito ng n ak al ipas na Mayo 13 dakong alas 9:45 ng gabi. Sa ipinatalang ulat ni P/ Supt. Rommel Laconsay Javier hepe ng pulisya , na itinala ni SPO1 Marco Mallari desk officer, nabatid na isang Melba Carayag 37, may asawa residente ng 481 Ligtong 3 Rosario Cavite ang nag ulat sa
pulisya sa pagkakakita ng sanggol. Ayon dito papauwi na siya sa bayan ng Rosario ng mapansin nito ang isang kulay itim na shopping bag (Christian Dior)  sa tabi ng kalsada, Nang  kanya itong tingan, ay laking gulat niya ng makita na nasa loob ng bag ang sanggol na nakabalot sa isang malaking lampin, katabi ng bata ang mga infant wears, diapers medicine at isang feeding bottle na may lamang gatas.kaagad niyang dinampot ang bata at ipinagbigay alam sa pinakamalapit na barangay.Dinala naman ang sanggol nina Kagawad Connie Mendoza at ni Melba  sa himpilan ng pulisya, matapos mai blotter ay dinala sa Dra Salamanca Hospital upang sumailalim kung mayroon itong sakit o pinsala sanhi  ng pagkakaiwan sa tabi ng kalsada, matapos ang isasagawang eksamen sa bata ay dadalhin sa DSWD para sa tamang disposisyon.  

HOTSHOTS...
WALANG PUSONG INA!!!
SA ating mga Ina natin unang naranasan ang pag aar uga at pagmamahal, Sa loob ng siyam na buwan ay dinala niya tayo sa kanyang sinapupunan, Doon pa lamang sa loob ng kanyang sinapupunan hanggang sa tayo ay isilang ay hindi birong sakit at sakripisyo ang kanyang sinuong maging ang sariling buhay ay isinugal upang tayo ay mabuhay. Sa ating mga ina rin natin naranasan ang paggabay magsimula sa paggapang hanggang sa matutunan ang unang paghakbang. Ang ina rin natin ang ating naging unang guro upang matutong bumasa at sumulat nagmulat ng kaisipan at humubog ng kagandahang asal. Siyang gumabay sa unang pagtuntong sa paaralan, at nagtuturo ng  mga aralin sa pag uwi ng bahay. Kay Inay natin naihihinga ang mga suliraning hindi masabi kay Itay, nagsisilbing tagapagtanggol kay Itay kung may nagagawang kamalian, Sa mga oras na tayo ay dinadapuan ng karamdaman, nandoon si Inay na matiyagang sa atin ay nagbabantay nagpapainom ng gamot at halos hindi natutulog upang tayo ay mapagsilbihan hanggang sa gumaling sa dumapong karamdaman. Sa mga oras na hindi na kayang resolbahin ang mga problemang dumarating sa ating buhay, nandoon siya sa ating tabi upang tayo ay pakinggan at magbigay payo. Ganyan karamihan ang mga inang may malasakit at pagmamahal sa kanyang mga anak.   

Araw ng pagdiriwang ng mga Ina nitong nakalipas na Mayo 13 (second Sunday), Nandoon tayo sa istasyon ng pulisya bandang alas 9:45 ng gabi ng ihatid ng isang kagawad ng Barangay na si Kag. Connie Nava Mendoza at ng isang Melba Carayag ng Ligtong 3, Rosario Cavite ang isang 2 buwang sanggol na batang lalaki  na kanyang natagpuan sa tabi ng kalsada sa panulukan ng Zulueta at Cabeza Street sa San Roque Cavite City,. Ayon kay Melba, papauwi na siya ng mapansin nito sa tabi ng kalsada ang isang shopping bag na kulay itim (Christian Dior) Laking gulat niya ng makita sa loob ng nakabukas na bag ang sanggol na nakabalot sa isang malaking lampin na pambalot ng bata , katabi ng bata ang mga infant wears, diapers medicine at isang feeding bottle na may lamang gatas. Hindi nagdalawang isip ang isang Inang katulad ni Melba at kaagad niyang dinampot ang sanggol at ipinagbigay alam sa pinakamalapit na barangay.Kung saan dinala ang sanggol sa himpilan ng pulisya, matapos mai-blotter ay dinala sa Dra. Salamanca Hospital upang sumailalim kung mayroon itong sakit o naging pinsala sanhi  ng pagkakaiwan sa tabi ng kalsada, matapos ang isasagawang eksamen sa bata ay dadalhin sa DSWD para sa tamang disposisyon. Isang walang malay na 2 buwang sanggol iniwan sa tabi ng kalsada. 

Tsk tsk tsk Anong klaseng Ina ang nag iwan nito sa tabi ng kalsada. Anong mabigat na dahilan upang iwanan ito ng kanyang sariling Ina? Paano kung ang bata ay nilapa ng aso, o dili kaya ay nakagat ng hayop o sa kalikutan sa pinaglagyang shooping bag ay gumulong at nasa gasaan? Paano kung walang nakakita o nakapansin at inabot ng magdamag sa tabi ng kalsada at sa magdamag na pagpalahaw ng iyak ay binawian ng buhay?

Anong klaseng Ina at uri ng pagkatao mayroon upang basta na lamang ito iwanan sa tabi ng  kalsada? Bunga man ito ng kasalanan, hindi kasalanan ng isilang ang sanggol sa mundong ibabaw  sana ay ipinaampon na lamang upang mapa ayos ang buhay. Sino ka man makonsensya ka sa ginawa mo.. Wala kang pusong ina!!!

By: REY MORALES │ Operation Eposé Vol. 9 Blg. 45 May 20-26, 2012 

No comments:

Post a Comment