BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

VM Jhing-Jhing: 20-years of public service... and beyond


"I've been in public service for about 20-years...perhaps I can humbly say at that age 40, I am the longest serving public servant in the municipality of Rosario." Ito ang naging pambungad na pahayag ni Rosario Vice-Mayor "Jhing-Jhing" Hernandez sa ating panayam kamakailan. Nagbunsod ang pag-uusap na ito sa kumalat na balitang tatakbo ito bilang kinatawan ng unang distrito ng lalawigan ng Cavite sa 2013. Naghahangad ang edad 40 na vice mayor para sa mas mataas na level ng panunungkulan para lalong maisulong ang kanyang adbokasiya ng "transparency and good governance" bilang isang matapat na lingkod bayan. Ika niya, "maraming nagtaas ng kilay o kaya'y masasabi nating gustong maliitin ang ating kakayahan bilang public servant." At sino nga ba naman ang hindi mag-iisip o magduda, "meron bang kakayahan ang isang VM Jhing-jhing para sagupain sa larangan ng pulitika ang mga Abaya na siyang namamayagpag sa unang distrito ng Cavite?" Paliwanag niya, "siguro nga sadyang wala tayong ilalarga pagdating sa gagastusin, pero ang pagsuong na ito ay isang 'consensus' mula sa partido (Magdalo) na handang tumulong. At ang mahalaga'y kung ano ang ating ihahain sa ating mga constituents na siya namang may karapatan para magluklok sa atin." 

Nasaksihan natin ang halos isang dekada na panunungkulan ni VM Jhing-Jhing, nasubok ng manunulat na ito ang ilang kaganapan na masasabing nakatala na sa history ng pulitika sa lalawigan ang ilang mahusay na ginampanan niya upang maisulong ang tapat at mahusay na panunungkulan. Matatandaan kung paano inihayag ni Jhing-Jhing ang ilang katiwalian sa Rosario ng nakaraang administrasyon - dinala nito ang usapin upang binsay-binsayin at pagdebatihan ang kanyang "krusada" sa Sanggunian Panlalawigan...ang the rest is history, ika. Isang mahusay na team player, nakikinig at pinag-aaralan ang mga opinyon/obserbasyon ng mga elders at nagmamalasakit na constituents ganundin sa kritisismo, upang lalo pang mapaigi ang kanyang gawain bilang presiding officer ng Sanggunian Bayan ng Rosario. Naniniwala sa kasabihang, "a good leader is a good listener." Bagama't bata pa sa edad na 40, siguro nga'y maituturing ng "oldtimer" sa pulitika sa loob ng 20 years. Hindi na rin matatawaran ang kanyang kakayahan sa mundo ng lehislatura sa paglagas ng maraming taon, kung kaya't maraming nagsasabi, "VM JhingJhing is 'ripe'  to represent Cavite's 1st district  comes 2013." Kung mga proyekto para sa ikakaunlad ng maraming maralitang mamamayan ng Rosario, marami nang "political goodwill" ang kanyang naipundar. Livelihood/employment generating projects, kalinga para sa mga senior citizens, educational programs para sa mga kabataang mag-aaral.
Katuwang ni Mayor Ricafrente at ng buong sanggunian sa isang advocacy na tinaguriang "FROM WOMB TO TOMB." Sabi ni Jhing-Jhing na umiiral ang kanilang campaign slogan: GANITO KAMI SA ROSARIO,
DAPAT GANITO ANG BUONG DISTRITO. Nabalangkas ang nasabing slogan dahil na rin sa lantad na pagiging progresibo ng Rosario, na bagama't maliit sa land area kumpara sa ilang bayang-karatig ay mayaman naman sa human resources at masinop ito sa pangangasiwa ng kaban ng bayan. At siyempre, masasabing mahusay na team-playing ng tambalang Ricafrente-Hernandez at ng sangguniang bayan.
* * *                   * * *                 * * *
EXCERPTS sa panayam:

Question:  
Your decision to run for Congressman in Cavite's 1st district was a consensus  among  partymates(Remulla's
MAGDALO)...or was it a long time dream?
VM Jhing-Jhing:
It's a party consensus, and being a team-player... yes, I am obedient. Pero masasabi ko, ang aking kahandaan ay nariyan na gagabayan ng aking 20-taon bilang public servant.

Question:  
To become a Congressman is an off-shot to your "long posting" as vice-mayor, the presiding officer of the SB. Of course, your expertise in legislation will be a plus factor, an advantage if you will, comes 2013 Elections. Ano ang tingin mo?
Jhing-Jhing:
Malaki ang aking paniniwala na makakatulong ang aking ginampanan bilang presiding officer, at sana nga'y magiging basehan ito  para sa aking inaalok na hangarin upang ang iniisip natin na mahusay na paglilingkod ay umabot pa sa mas maraming mamamayan.

Question:  
How would you square-off against an opponent who is formidable in terms of political warchest and is an ally of Malacanang. There's this perception that to have an effective political machinery you're ready to 'oil'
it with huge financial consideration?
Jhing-Jhing:
Marami ang gustong magmaliit sa atin dahil totoo naman na wala tayong kakayahan kung pera ang pag-usapan. Pero marami naman tayong nakikitang gustong tumulong sa parteng 'yan...ang partido at mga mamamayan na atin na rin naging kasangga at pinagsilbihan. Political goodwill, I believe, will play a big part in this  aspiration.Kung pag-uusapan ang tapat na paninilbihan, sa loob ng 18 years 'nilang' nasa gobyerno hindi man nila naisip ang isang ospital na maitatayo dito sa distrito para sa pangangailangan ng ating mahihirap na mamamayan? (Paunawa: nangako si VM Jhing-Jhing na itutuloy namin ang pag-uusap sa ibang
pagkakataon upang ang ilang mga bagaybagay tungkol sa transparency and good governance ay mas Malalim na matatalakay. Papunta na kasi siya sa "opening" ng paglulunsad ng CALLE VERDE, bayanihan project ng mga magta-tricycle ng Rosario.)



VM Jhing-Jhing: 20-years of public service... and beyond

By: DANN FABROS │ Operation Eposé Vol. 9 Blg. 46 May 27-June 02, 2012 issue

No comments:

Post a Comment