BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

TULFO VS BARETTO-SANTIAGO


Screenshot captured from youtube

MAINIT ang insidente ng bayolente na nangyari sa NAIA kamakailan sa pagitan nina Ramon Tulfo, ang sikat na broadcaster/columnist at magasawang Claudine Baretto at Raymart Santiago. Na lalong pinainit ng mga pumapanig at di sumasangayon sa magkabilang panig. Lalo pa't nakihalo na rin ang iba pang mga kapatid ni Ramon Tulfo na mga TV hosts/broadcasters din sa TV 5. Bilang isang mamamahayag, maraming nagtatanong kung sino ang tama sa naganap na karahasan sa airport sa counter ng Cebu Pacific. Ganito po ang aking pananaw... Kung ating lilimiin, nag-ugat ang bayolenteng insidente nang mapansin ni Ramon Tulfo ang komosyon sa nasabing counter. Nakita niya ang isang babaeng nagrereklamo dahil sa pagkaka-"off load" ng kanyang bagahe. At dahil nakapagsulat na siya sa kaparehong pagrereklamo ng ilang pasahero ng Cebu Pacific naging interesado si Tulfo sa eksena. Ayon pa rin kay Tulfo, nagbago ang kanyang simpatiya nang marinig ang pagtutungayaw ng babaeng nagrereklamo (na si Claudine Baretto pala) sa kahabaghabag na ground stewardees, kaya't naisipan niyang kunan ito ng video sa kanyang cellphone.  Kung baga'y trabaho lang ang pagkuha ng video sa eksena at talaga namang masasabing "scoop" para sa kahit sinong reporter/mediaman ang ganun eksena. Si Claudine kasi ay sikat na artista kung kaya't masasabing "public property" siya. Sa parlance ng media, any irresponsible actuation from such personality is "katanggaptanggap" for media consumption, at talos ito ni Claudine at asawang  Raymart Santiago. Dito nag-react si Raymart at umano'y nagtanong kay Tulfo, "Sir, ano pong ginagawa ninyo? Para saan po 'yan?" Tukoy ni Raymart na kunin at posibleng gustong burahin (?) ang videong kinunan ni Tulfo. Siyempre, bilang

pamosong reporter/jour nalist, hi ndi ibibigay ni Tulfo at hindi niya pagbibigyan si Raymart  sa kanyang kahilingan. At nangyari ang di inaasahan, nagkatulukan, nagkasipaan (na aminado naman si Tulfo). Pero ang
pagsipa ni Tulfo ay depensa lamang sa sarili nang siya' y umbagin at pagtulungang bugbugin ng mga  kasamah an nina Raymart at Claudine, na kung tinamaan si Claudine ay nagkataon na lamang. Ika ni Tulfo, "habang  meron  sumasakal sa akin at humahawak sa akin di ko na alam kung sino ang tinatamaan dahil dumidepensa na lamang ako." Sa isang video clip na ipinakita sa TV talagang kita ang pag-umbag kay Tulfo na pati si Claudine ay kumubabaw pa para makisuntok din habang nakadakma/pigil-pigil ni Raymart sa leeg si Tulfo. Sa ganitong situasyon, ang sipa o suntok din ni Tulfo ay masasabing "to whom it may concern" o kaya'y bahala na kung sinong tamaan. Sa ganang akin, parehong may "lapses in judgement" ang magkabilang panig. Bagamat nagbigay na sila ng kanilang mga pahayag at saloobin sa pangyayari na tila aabot sa demandahan, mas maiging makinig sila lahat sa panawagan ni Sen. Miriam Santiago na resolbahin na lamang ang isyu, pag-usapan at isantabi ang "amor propio," dahil parehopareho silang mga "public figures." Ang mga ganitong hidwaan ay hindi magbibigay ng magandang resulta, bagkus habang lumalala at pinag-uusapan sa media  ay  lalong magdudulot ito ng negatibong perception sa magkabilang panig. At the end of the day, ang init ng ulo (na pinatingkad pa ng sobrang init na panahon) ay dapat lamang lumamig para sa matahimik at maayos na takbo ng buhay, ika nga. Ngapala, "uncalled for" din ang paghahamon ng T3 brothers(Erwin Raffy at Ben). Buti na lamang at narealized nila ang kanilang pagkakamali na after awhile ay nagsorry naman sila. Well, they have to patch  and  make up...the sooner, the better, di po ba? 

By: DANN FABROS │ Operation Eposé Vol. 9 Blg. 44 May 13-19, 2012 

No comments:

Post a Comment