BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

TESDA pinaigting ang skills training sa Batangas


Dann Fabros
"Dampi't Haplit"

Lipa City ~  │ Cavite Exposé  Vol.9 Blg.43 May 06-12, 2012  
NAIMBITAHAN po ang manunulat na ito sa isang matagumpay na TESDA event sa Lipa City nitong Mayo 2 sa pamamagitan ni Gary Pacifico, media officer/spokesperson ng Cong. Dong Mendoza ng 4th
district ng Batangas. Namangha po tayo sa dami ng dumalo, mga magulang at mag-aaral ng TESDA accredited programs/courses na suportado ng masipag na kinatawan at ng mga accredited TESDA learning institutions, kagaya ng ACLC, St. Augustines, Asian School of Culinary & Hospitality. Panauhing pandangal ang boyish looking Director-General ng TESDA, si Sec. Joel Villanueva na sinamahan nina Reg'l. Director Luisita dela Cruz at Prov'l Dir. Carlos C. Flores. Naging host si Marawoy Brgy. Chairman Mel Olan, na binigyan ng award "in recognition of being an outstanding LGU-Partner. Pinaliwanag ni Gary na TESDA pinaigting ang skills training sa Batangas si Kap Olan ay pinarangalan nina Sec. Joel at Cong. Dong sa dami ng matagumpay na nagsipagtapos na graduates ng mga TESDA accredited courses mula sa kanyang nasasakupan. Sa pahayag ni Sec. Joel, binigyan diin niya ang kahalagahan ng mga TESDA courses para sa ating mga kabataang mag-aaral upang mnaging matatag sa kanilang paghahanap-buhay dahil ang mga kursong ito'y napapanahon at kailangan ng mga iba't ibang industriya, kagaya ng kursong IT, welding, HRM, culinary, bartending at hospitality. Inihayag din ni Sec. Joel ang "immediate needs" para sa mga "certified butchers" (mangangatay  ng baboy, baka) para sa bansang New Zealand at Australia. Ika niya, "there's urgency in the field of butchery in New Zealand at magugulat kayo sa basic pay doon na  umaabot  sa P2.0milyon kada taon, bukod pa sa iba pang benipisyo." Ayon naman kay Cong. Mendoza, lalo pa niyang pagtutuunan ang kanyang scholarships para sa mga kabataang Batangueño na nagnanais mapaunlad ang kabuhayan para sa mga kursong umuugnay sa agrikultura at TESDA courses. Inihayag niya na umaabot na sa 1,200 ang matagumpay niyang scholars. Sa nasabing event ay ipinakilala na rin ni sir Gary ang grupong 1-AALALAY, isang party-list na tutulong para mapaigi at mapabuti ang hangad na skills training ng mga graduates sa TESDA courses para matiyak ang kanilang livelihood/employment opportunities, lalo na yung mga naghahangad na magtrabaho bilang OFWs. sina Darryl Toledo at Michael "Jekjek" Mendoza,
nakababatang kapatid ni Cong. Dong ang pangunahing nominees. Puntirya din ng 1-AALALAY na lalo pang lumawak ang recruitment ng mga kabataang Batangueno para mahikayat sila sa TESDA  programs. Sabi ni sir Jekjek Mendoza, "we are promoting our advocacy of 4-Rs for our students/scholars: Right skills, right to job/employment, right to compensation, right to protection. Idagdag na rin ang isang pang 'R' and that is 'respect." Kasi pag meron respeto sa sarili at sa kapwa ang isang tao ito'y makakabuti sa kanya para maging mahusay din ang pakikipag-ugnayan sa kanyang trabaho at kapwa upang maging progresibong miyembro ng ating lipunan." Sa pagtatapos ng programa ay ang malakas na hiyaw ng mga tao para hikayatin si Sec. Joel na tumakbo bilang Senador upang lalo pa nitong maisulong kanyang hangarin para sa kabataang Filipino. Gayundin, ang pag-amuki kay Kap Olan na tumakbo bilang mayor ng lungsod ng Lipa, dahil malaking pruweba umano ang kanyang nagawang pagunlad ng barangay Marawoy. Siyempre, meron basbas si Cong. Dong na kinikilang pangunahing political leader bilang Secretary General ng NPC. Well, gentlemen, it's not farfetch that your intentions and advocacy to uplift the lives of the Batangueños is "very encouraging and doable." Lalo pa't meron 1-AALALAY partylist na magiging katuwang ni Cong. Dong at Kap Olan, di ba sirs Darryl and JekJek? 
***
CMAG environmental
concern
Matapos ang matagumpay na "clean & green project" na isinagawa sa IndangAlfonso road (pagitan ng Binambanagan-Lulungsian Bridge) kamakailan na pinagunahan ng Indang Cavite Bikers Ass'n (ICBA) at kabataang scouts ng Indang in coordination with Indang Mayor Benny Dimero and various barangays in the adjacent vicinity, muling nagpa-plano ang Confederation of Cavite Motorcycle Alliance Group sa liderato ni Pres. Totie Alindog para itaguyod ang "tree-planting" activity sa boundary ng MAGALLANES, Cavite at Batangas. Sa maigsing usapan namin ni Pres. Totie, hangad niyang maging mapuno at maraming halaman sa periphery ng isinasagawang tourism highway sa nasabing area. Ito'y bilang tugon sa panawagan ng DENR at ng pamahalaang panlalawigan sa ilalim ni Gov. Jonvic Remulla na bigyan diin ang hangarin ng ating pamahalaan para sa "greening" endeavor sa ating kapaligiran upang maibsan ang masamang impact ng climate change. Ang planong ito ng CMAG at iba pang lokal na samahan ng mga motorcycle enthisiasts sa Cavite ay isang hakbang na para mapaigting ang samahan sa mga ganitong klase ng aktibidades. Hangad din ni Pres. Totie at Pres. Bert Vicedo ng ICBA na muling hikayatin ang mga kabataang scouts at mamamayan ng Magallanes na sumali sa tree-planting activity na ito na gagabayan din ng DENR-Cavite at PENRO. Ang pormal na paglulunsad ay ihahayag bago matapos ang buwan ng Mayo at target date ay bago magpasukan ang mga kabataang mag-aaral sa unang linggo ng Hunyo, ito'y ayon pa rin kay Pres. Totie. 

No comments:

Post a Comment