BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

Subsidiya para sa mga kooperatiba ng Cavite, ipinamahagi ni Gob. Remulla


Upang matulungan ang mga (Photo courstesy of CID  Cavite City PNP) kooperatiba sa Cavite, nagkaloob ng subsidiya sa dalawang kooperatiba ang pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Gob. Jonvic Remulla katuwang ang Provincial Cooperative Livelihood and Entrepreneurial Development  Office (PCLEDO) sa pamumuno ni G. Rene Tongson, kasabay ang pagtataas ng watawat kamakailan sa Provincial Gymnasium sa Trece Martires City.

Ipinagkaloob sa  DBB Public Market Multi-Purpose Cooperative ng Brgy. Burol 1, Dasmarinas City ang P30,000 para sa stall holders sa ilalim ng SM Marketmall at P50,000 naman sa BULPHA Multi-Purpose Cooperative ng Brgy. Banaba, Silang bilang dagdag puhunan sa pagpapalawak ng kanilang mga programa at serbisyo.  Noong nakaraang Abril 30, nagkaroon rin  ng katulad na programa kung saan tatlong kooperatiba ang nauna nang nabigyan ng subsidiya. Kabilang sa tumanggap ang Municipality of Indang Employees Multi-Purpose Cooperative ng P30,000 para sa kanilang rice loan project; Handog Kaunlaran Credit Cooperative ng Alfonso, P20,000 karagdagang puhunan para sa operasyon ng kanilang negosyo; at PASADAKO Multi-Purpose Cooperative sa Dasmarinas City  na nabiyayaan ng P50,000  pambili ng makinang panahi upang matugunan ang demand ng mga kliyente. Sa kabuuan, nakapamahagi ang pamahalaang panlalawigan ng P180,000 subsidiya para sa nabanggit na limang kooperatiba.

No comments:

Post a Comment