BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

Sobrang Napakainit ng panahon ngayon!


ANG temperature na ating nararanasan ngayon ay para nang may lagnat ang isang tao. Napaka-alinsangan ng panahon. Nakakaantok ang init ngunit hindi ka naman makatulog sa sobrang init, kahit na ang electric fan mainit na rin ang binubuga at ang mga gumagamit ng aircon siguradong mag-aaray sa laki ng kanilang bill.  Marami ngayon ang tumatambay na lamang SM para magpalamig at uuwi na lamang kinahapunan. Dahil bakasyon ngayon, nag babonding ang pamilya nanonood ng sine at namamasyal sa loob ng SM. Halos lahat ngayon ay nagrereklamo, si Nanay Mary, hindi na nawawalan ng pamaymay sa kamay at ang electric fan ay halos nakatutok na sa kanya maging sa kusina may electric fan, hehehe.  Marami din ang nagdadaing na masama ang pakiramdam dahil sa sobrang init.  Delikado tayo sa heat stroke.  Siyempre mainit masarap ang uminom ng tubig na malamig at dahil naman dito, nagkakasakit din ang tao, andiyan ang ubo, sipon at trangkaso. Kahit ako ay may basang bimpo, maya-maya pahid sa katawan para nga lang makatulog ako, ang basang bimpo ay nilalagay ko sa katawan ko at kinaumagahan ay tuyong-tuyo. 


Dahil din sa init ng panahon, marami ang mainit din ang ulo lalong lalo na sa lansangan kaya ayan tuloy mas lalo ang traffic dahil ayaw magbigay, bawat isa ay nagmamadali para makaiwas sa init. Maging ang mga langgam ang dami, hindi na makayanan ang sobrang init sa ilalim ng lupa. Maging ang politika ngayon ay painit na painit na rin. Labasan na ng mga isyu at ang re-alignment ng mga partido sa National na naaapektuhan ang local. Kaya sa mainit ang ulo, huwag mong hayaan na mangibabaw sa ‘yo ang pagiging mainitin din, mag halo-halo na lang kayo at kumain ng ice cream para maibsan ang mainit na pakiramdam. Nang May 01, 2012 masaya ako at umulan ng bahagya. Tamang-tama pag labas ko ng SM Bacoor pumatak ang ulan hanggang sa lumakas bandang Island Cove yon nga lang pagdating ko sa Sta. Isabel kulimlim lang hindi umulan. Naalala ko kasi ng maliit pa ako pag May 1, umuulan at niyo-yogyog namin ang mga kahoy at nahuhulog ang mga salagubang. Wala pa akong natatandaan na hindi umuulan ng May 1 hanggang ngayon. Nasasabi ko sa aking sarili na talagang itinakda ng Panginoon ang May I na umuulan kahit ano pa man kainit ng panahon.

By: MARITES LEONILLO│ Operation Eposé Vol. 9 Blg. 43 May 06-12, 2012 

No comments:

Post a Comment