BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

SANIB PWERSA SA PAGSULONG NG EKONOMIYA SA LUNSOD NG CAVITE


KAMAKAILAN lamang ay nagsanib puwersa ang mga tauhan ng General Services Office, Licensing Office 
ng Cavite City Government sa pamumuno ni Mayor Ohmee Ramos, at Cavite City Component Police Station sa pamumuno ni Chief of Police,  P/Supt.Rommel Laconsay Javier, Deputy Chief of Police, P/Chief Insp.Ronald Alamo, P/Sr. Insp. Roger De Lumen,P/ Insp. Jonathan Estrada, SPO4 Arnel Cuevas, Traffic Chief SPO3 Raymundo Estoy Jr  at mga tauhan ng MobilePatrol Section at mga Traffic Enforcers upang linisin ang kahabaan ng Molina extension sa mga vendors na sumasakop sa daan, sa mga pedicab at tricycle na nakahambalang sa nasabing daan patungo sa Cavite City Public Market.Inalis ang mga nakakasagabal sa trapikna mga vendors at mga pedicab at tricycle drivers upang mapasimulan  ang proyektong magkaroon ng RE ROUTING ng mga pampublikong sasakyan partikular ang mga jeepney na yumayaot at bumibiyahe sa lunsod na ang mga pasahero ay patungo ng Pamilihang lunsod. Magkatuwang at nagsanib puwersa sa iisang layunin maiangat ang ekonomiya,maibalik ang luwag ng trapiko,at mabigyang kaluwagan ang mga mananakay ng pampasaherong mga dyip na nagtutungo sa palengke. Bago pa man pasimulan  ang proyekto ay pinulong ni Col. Javier ang mga asosasyon ng iba't ibang samahan  ng mga drivers para sa nasabing proyekto, kasunod nito ay ang paglalagay at pagpapaskil ng karatula (sign board) na may nakasulat na DERECHO sa mga dyip na hindi bibiyahe patungo sa loob ng palengke at sign board naman na may nakasulat na PALENGKE  na ang ruta naman ay dadaan sa loob ng palengke. Pinasimulan din ang paglalagay  sa bawat likuran ng upuan ng driver ng mga pampasaherong dyip ng  isang  paunawa para sa mga sumasakay upang hindi malito at hindi maabala sa patutunguhang destinasyon. Paalala po sa ating mga taga subayabay sa  ating kolum,partikular po doon sa mga sumasakay ng dyip na magtutungo o lalabas ng Cavite patungo sa ibang mga lugar. O vice versa tutungo o papasok sa Cavite City patungong biyaheng PN o SAN ANTONIO upang huwag po tayong maabala ang TINGNAN PO NATIN ANG  MGA  SIGN BOARD NA "DERECHO'  at kung tayo naman po ay nais na magtungo  sa City Public Market ang sakyan po nating dyip ay ang  mga may  SIGN BOARD  na PALENGKE. Doon naman po sa ating mga kaibigang pedicab at tricycle drivers sumunod po tayo sa itinakdang ruta para sa inyo. iwasan na natin  ang  maging pasaway.. Kung tayo po ay mahuli sa paglabag sa  batas trapiko tayo rin po ang maabala at mapeperhuwisyo... SABI nga susi sa pagpapaunlad  ng isang pamayanan ay ang pagtutulungan ng bawat mamamayan.. God's will till next issue mga igan.... Magandang Araw po sa inyong lahat... 

By: REY MORALES │ Operation Eposé Vol. 9 Blg. 44 May 13-19, 2012   

No comments:

Post a Comment