BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

PASUKAN NA NAMAN SA BAYAN NI JUAN CAVITEÑO

SPORTS DIMENSION
NAGPAPANIC ka na ba? Dahil ba pasukan na naman at minamabuti mong maghanda ng pagkarami-raming pangangailangan para sa darating na pasukan. Kay dami ng kailangan, kay dami ng dapat bilhin, at
papaano naman ang mga gamit at pangangailangan naman sa sports? Para sa iba, panghuli ang paglalaan dito dahil hindi ito prioridad, at itinuturing na pang-aliw sa buhay ang pagkakaroon ng sports sa buhay. Gayunpaman, iilan lamang ang may pagkakataon na makapaglaan at binibilang na prioridad sa buhay ang pagkakaroon ng sports sa buhay. Para sa iba, ang sports ang buhay nila para maipagpatuloy ang buhay.Sa ganang akin, totoo na mahirap pagsabayin ang pagkakaroon ng sports sa buhay bilang estudyante at para sa pamilyadong tao. Hindi sasapat ang pangangailangan kung isasama sa listahan ang sports. Kung kaya naman, isinasantabi ang kahiligan, at nakokuntento na lamang bilang tagahanga o manonood na lamang ng piling mga sports.

Kahit sa ibang bansa, hindi ganun kadali ang pagkakaroon ng sabay na paglalaan ng oras at panahon, lalo na kung wala sa kalagayan. Naisin mo man ay hindi ito matutugunan dahil sa magkukulang din naman sa pagtutok at pansin.

Sa darating na pasukan, pili lamang ang makakagawa nito, subalit, iilan din lang ang makakatugon kahit na may paglalaan. Kung kaya naman, may kakaunti pang panahon upang paghandaan na baguhin ang  kinagawiang pagkilos sa pangaraw-araw, sa skedyul, sa kasama, at higit sa lahat ang sariling disiplina.

Para sa mga estudyanteng papasok ngayon, ipagpatuloy lamang ang inyong pag-aaral, at timbangin ang inyong pamamaraan ng paglalaan sa darating na pasukan. At higit sa lahat ‘wag kayong mawawalan ng
pag-asa na mga pagkukulang na mararanasan, sapagkat kaakibat ang pagtitiis sa lahat ng pagkakataon.
Ikaw ang tinatanong, ano ba ang iyong prioridad, ang pag-aaral o pagiging sports minded.
Hanggang sa muli

***
Sa susunod na isyu, ay paguusapan na natin ang
paraan ng pag-iskedyul ng inyong buhay kasama ang
sports. Paano ba?
***
Kung mayroon kang mungkahi o nais mapag
usapan, maaari kang sumulat gamit ang email sa
emancayabyab@yahoo.com , at susubukan nating
mailahad ang ganung isyu.
By: EMAN CAYABYAB │ Operation Eposé Vol. 9 Blg. 45 May 20-26, 2012      

No comments:

Post a Comment