BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

Pasasalamat sa Tanza PNP



KASANGGA
NAGPAPASALAMAT po ang may-ari ng nawawalang Nissan X-Trail na dalawang beses inilabas ng inyong lingkod sa aking kolum kamakailan. Pagreresolba at pagdiskubre sa nasabing sasakyan sa Tanza, Cavite, ito po ay inabandona ng hindi nakikilalang mga carnapper noong May 4, 2012 na nadiskubre at agad itinawag ng hepe ng Tanza police na si PSUPT. RADEL DE LEON RAMOS at mga tauhan nitong sina SPO3 Richard Pavorito, PO1 Richard Yolangco at PO1 Julius Torres at iba pa.

Nagpapasalamat po si Miguel Asim, mayari ng Nissan X-Trail na nawawala pa noong October, 2011, maraming salamat po Chief of Police ng Tanza PNP, Mabuhay po kayong lahat. 

OPERATIONS NG PNP MOTORCYCLE UNIT, TAGUMPAY! 
Binabati ko si SPO4 Rodillo, team leader ng Cavite PNP Motorcycle Unit sa mahusay na operasyon nila sa Noveleta, Cavite noong ika-16 ng Mayo, 2012 ng umaga, maraming mga pasaway na walang disiplinang gumagamit ng motorsiklo ang nabigyan ng tiket, sa ganyang paraan ay mababawasan ang paggamit ng illegal na motorsiklo sa Cavite. Saludo po kami sa inyo!!!.

TAGUIG-LTO, DISIPLINADO
Binabati ko ang hepe ng LTO-Taguig sa mahusay na sistema at pamamalakad ng kanyang nasasakupan, walang fixer, mabilis at super higpit diretso ang daan dito mula sa lisensiya hanggang rehistro, kaso isa lang ang sisira sa inyo, ang Counter 7 sa records, dapat ‘wag na itong lola na kamukha ni “Miss Tapia” na sobrang suplada. 9:00 am pa lang ng umaga ay super sungit na at sigaw ng sigaw, hoy bruha, ‘wag kang ganyan! Sa init ng klima at panahon baka atakihin ka sa puso o ma-heat stroke ka. Nakakahiya sa amo mong diretso, ikaw lang ang dudungis sa kanya, bruha. 

NOEL NG MOLINO IV, BACOOR
Ganda ng name mo, pero hindi ang diskarte mo pare, baka matimbog ka diyan at ataduhin ka ng mga taga-Bacoor, Cavite. Pare, kung mainit ka na sa Caloocan ay doon ka na lang, ‘wag ka ng mandukot o mangbiktima ng mga napunta sa SM Molino, pati ‘yan 2 tao mo. Hoy ungas, dalawa na ang nagtetext sa akin na nadale mo sa area mo, sana tubuan ka ng cancer at matodas ka.

By: BOBBIT BENITEZ │ Operation Eposé Vol. 9 Blg. 45 May 20-26, 2012      

No comments:

Post a Comment