BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

Pag-iingat na Malimit Ngayong Tag-init


PINAG- IINGAT ng Department of Health (DOH) ang publiko laban sa bungangaraw at sunburn na karaniwang sakit sa balat na nakuk uha tuwing panahon ng tag-init. Ayon kay Dr. Eric Tayag, director ng National Epidemiology Center (NEC) ng DOH, ang bungang- ar aw ay kalimitang nakukuha bunsod ng labis  na pagpapawis dulot ng napakainit na panahon, habang ang sunburn naman ay bunga ng over-exposure sa sikat ng araw. 

Kung magbabara ang sweat ducts ng isang tao ay hindi makalalabas  ang pawis na nagiging sanhi ng rashes o pagkakaroon ng bahagyang pamamaga na nauuwi sa bungang-araw. Bungang araw (Ingles: prickly heat; Medikal: Miliaria rubra) ang tawag sa isang pangkaraniwang sakit sa balat na madalas na lumitaw tuwing tag-araw, o kung mainit o mabanas ang panahon. Ang mga sintomas ng bungang araw ay isang “rash” na mapula, kung saan maaaring may mga maliliit na butlig-butlig o pantal-pantal.


Kalimitan  mga bata na madalas na maglaro sa ilalim ng sikat ng araw ang nagkakaroon ng bungang-araw. Dahil ang balat ng mga sanggol ay “sensitive” pa at hindi pa sanay sa mga pagbabago sa panahon, sila ang pinakamalimit na nagkakaroon ng bungang araw.


Mahalagang banggitin na ang bungang araw ay hindi seryosong kondisyon, at kung ikaw ay may sanggol na mayroong bungang araw (o bungang pawis), hindi dapat mabahala. Madali lamang naman gamutin ang bungang-araw sa pamamagitan ng pinaghalong pulbos at starch, o di kaya’y calamine lotion, na ipapahid sa apektadong balat.


Mai iwasan naman ito sa pamamagitan ng pagsusuot ng maal iwalas na damit, pagiwas sa mainit o mabanas na panahon, pagligo ng isa o dalawa ng besessa isang araw, at paggamit ng mild soap sa paliligo. Ang bunga ng  a raw ay mawawala ng kusa, ngunit ba k a matagalan ang pag-galing nito kung madalas kinakamot ang apektadong bahagi.


Iwa s an din ang paggamit ng mga oil based lotion dahil ito’y maaaring makairita sa balat ng sanggol . Kung l umpas ang tatlong linggo at hindi parin gumagaling ang bungang araw, magpakonsulta sa pediatrician para  ma-payuhan kung anong maaaring gawin. Ngunit sa karamihan ng kaso, ang bungang araw ay isang hindi seryong karamdaman ay hindi dapat ikabahala.


Madali rin aniyang maiwasan ang sunburn na karaniwang nakukuha ng mga taong naliligo sa beach, sa pamamagitan ng pagpapahid ng sunblock lotion na may  mataas na sun protection factor (SPF).


Ang SPF ang tumutukoy kung gaano kaepektibo ang proteksiyon na ibinibigay ng isang lotion, at kung mas mataas ito, ay mas  makabubuti aniya. Kung na-sunburn naman, maaaring gumamit ng petroleum jelly o di kaya’y aloevera gel upang mabawasan ang pananakit ng nasunog na balat.


Kung sa tingin mo ay mabibilad ka o ang iyong anak sa arawan ng mahigit sa labinlimang (15) minuto ay isaisip ang mga sumusunod na pag-iingat:
• Magsuot ng mga damit na magaan ang kulay, maluwag at mahaba ang manggas. Magsuot ng sombrero o anumang pantakip sa ulo na makapagbibigay proteksyon sa iyong mukha. Magsuot ng “sunglasses” na nagbibigay proteksyon laban na nakapeperwisyong ultraviolet (UV) mula sa sinag ng araw
• Gumamit ng  sunscreen  na hindi bababa sa 15 ang “sun protection factor” (SPF). Kapag may nakatatak na broad spectrum sa bote ng isang sunscreen ay kaya nitong magbigay ng proteksyon laban sa dalawang uri ng mapanganib na sinag (UVA at UVB)
• Maglagay ng sunscreen  30 minuto bago magbilad sa araw
• Lagyan ng sunscreen ang lahat ng bahagi ng katawang mabibilad sa araw kasama ang ilong, tenga, leeg, batok, anit at labi. Kailangang pantay ang pagkakalagay nito sa balat.

• Maglagay uli ng sunscreen matapos ang  dalawa hanggang tatlong oras ng pagkakabilad, mas madalas kung lumalangoy o pinapawisan ng husto.
• Higit na sensitibo ang balat ng mga matatanda kaya 30 pataas dapat ang SPF ng gagamiting nilang sunscreen.
• Uminom ng maraming tubig. Nakatutulong ito sa pagpapawis na nagpapalamaig naman ng ating balat at buong katawan.
• Iwasan ang magbilad sa pagitan ng alas 10 ng umaga at alas 4 ng hapon sapagkat pinakamatindi ang sikat ng araw sa mga oras na ito.
• Bantayan ang mga bata sa pagkat sensitibo ang kanilang balat sa sinag ng araw. Maaga silang turuan ng ng pangangalaga sa kanilang balat tulad ng paggamit ng sombrero at sunscreen.


By: EDWIN POBLETE M.D. │ Operation Eposé Vol. 9 Blg. 44 May 13-19, 2012    

No comments:

Post a Comment