BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

Napapanahong sports sa bayan ni Juan Caviteño


Sa tindi ng init sa kapaligiran, hindi malabong napapanahon ang lahat ng indoor sports tulad ng table tennis, chess at body building. Lahat ng mga sports na ganito ay nakatago sa init ng araw kung kaya naman kahit pa sa loob ng bahay o sa labas ng bakuran na malilim ay pupwedeng maglaro at mag-ensayo ng patuluyan. At kung magkaroon man ng kompetisyon, ay sa loob din ng gym ang pipiliing lugar, maliban na lamang ang pagkakaroon ng kompetisyon sa mga entablado na kadalasan ng nagaganap sa mga bukas na lugar at nagaganap sa gabi. Isang halimbawa ang body building kompetisyon na kadalasan ng sinasagawa sa mga parke at entablado sa gitna ng mga maraming tao. Gayunman, sa lahat ng pagkakataon, hindi maikakaila sa karamihan na malaki ang impluwensya ng ating kapaligiran upang maingatan ng manlalaro ang kanyang sarili laban sa init, ulan o masamang hangin na makakaapekto sa kahusayan ng isang atleta. Kung kaya naman patok sa pinas ngayon at sa lahat ng mga dako ang larong indoor sports, katulad ng boksing, o mga larong ginagawa sa loob ng bahay o sa isang tagong lugar. Tunay na maituturing na kakaiba ang ating bansa kung kondisyon ng kapaligiran ang paguusapan at kung ikukumpara sa ibang bansa. Sa ibang bansa, may panahon na hindi pwedeng lumabas sanhi ng pagyeyelo ng kapaligiran o ang mala-apoy na kapaligiran tulad sa Middle East.  Dito ang ating lugar ay masisiyahan ka sa tindi ng init ng araw, may malinis na hangin sanhin ng mga nakapaikot na puno at halaman, at mataas ang tinatawag na “humid” o ang kondisyon na mataas ang pagkakaroon ng tubig sa hangin. Ang pagkakaroon ng ma-”humid” na lugar ay napapanatili ang temperatura upang hindi nito maapektuhan sa pagkakaroon ng sobrang init o ang pagkakaroon ng “heat stroke”. Gayunman, may panahon ding malamig sanhi ng pagulan sa ibat ibang lugar sa pinas. Masasabi ring lugar ng magagandang balat sa lupa ang mga nakatira dito sa Pinas. Kung ikukumpara sa maraming lugar, marami sa kanila ang nagkakaroon ng sakit sa balat o cancer pa ngang maituturing. Makikita ito sa maraming lugar na malamig o kulang sa araw, at sa lugar na sobrang init. Sa ating bayan, may panahon na taginit at panahon na tagulan. Hindi man nabiyayaan ng yelo o langis ang ating bayan, dito naman tumutubo ang halos lahat ng mga halaman na pwedeng kainin ng tao at nakakatulong sa pagkakaroon ng maayos na pangangatawan at malayo sa mga nakakahawang sakit. Kung gayon pala, dito sa ating bayan, mapa-tagulan o mapa-taginit ay may mapipili kang sports na aayon sa panahon at pasok sa budget ng mga manlalaro. Gayunman, patuloy pa ring linangin ang sarili kung saan talaga tayo mas epektibo at angkop ang ating kagalingan sa espisipikong sports. Huwag tayong tumigil sa paghahanap ng alternatibong sports na maiaayon natin ang ating sarili habang hinaharap natin ang lahat ng mga hamon sa buhay. Mabuti nga dito sa atin pwede nating pagsabayin ang sports at ang mga gawain natin sa buhay, higit sa lahat sumasabay tayo sa mga napapanahong sports. Hanggang sa muli!

By: EMAN CAYABYAB │ Operation Eposé Vol. 9 Blg. 43 May 06-12, 2012 

No comments:

Post a Comment