BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

May apila sa Comelec en banc ... MALIKSI, SIYA PA RIN ANG MAYOR NG IMUS


IMUS, CAVITE-
HINDI pa nauupo bilang alkalde uli ng Imus si Mayor Homer ‘Saki’ Topacio Saquilayan. Ito ang lumabas sa kampo ni Mayor Emmmauel.L. Maliksi kaugnay ng mga balita at ugong at mga bulong na ang nakaupo na raw ngayon sa munisipyo ay si Saki na pinalitan ni Maliksi noong Disyembre 28, 2011. Nitong nakaraang mga linggo, sumugod sa munisipyo ang maraming miyembro ng media, kabilang ang crew ng ABS-CBN at ABC TV 5, at iba-ibang field reporter ng maraming estasyon ng radyo. Bunga ito ng mga tinanggap na tawag at text messages na mauupo na si Saquilayan at nitong Lunes, Mayo 14, inakala ng marami na pupunta sa munisipyo ang dating alkalde para mag-opisina matapos ang ginanap na ‘Walk for Peace’ at misa sa Katedral ng Imus. “Wala namang order na mauupo siya,” sabi ni Maliksi na ang tinutukoy ay ang sinasabing pag-upo ni Saki nang mismong araw na iyon. “May nakita ba kayong nagra-rally sa paligid at sa harap ng munisipyo? Wala naman, di ba?” muli ay sinabi ni Maliksi sa mga mamamahayag na ininterbyu siya ng Lunes na iyon. Pinatotohanan ni Maliksi na nagharap na ang kanyang abogado, si Atty. Lualhati Cruz ng motion for reconsideration (MR) noon pang Mayo 07 laban sa desisyong inilabas ng Comelec 1st Division na binabaligtad ang order ng Imus RTC Br. 22 na nagdeklarang si Maliksi ang tunay na halal na alkalde ng Imus. Dedesiyunan ng Comelec en banc (MR) kung tama o mali ang desisyon ng Comelec 1st Division na pinamumunuan ni Commissioner Abraham Sarmiento, Commissioner Armando Velasco at Commissioner Robert S. Lim. Una, rito, humingi ng temporary order si Saki laban sa utos ni Mangrobang na iupong alkalde

si Maliksi, pero sa botong dalawa kontra sa isa ng Comelec 1st Division, nakapanumpa bilang alkalde at sa kasalukuyan ay nananatiling alkalde pa rin ng Imus si Maliksi. “Pinili po namin na manahimik at isampa ang kaso namin sa Comelec en banc para hindi magkagulo at hindi malito ang mga mamamayan ng Imus,” sabi ni Maliksi, kasunod ang pakiusap sa lahat na hayaang ang Comelec at ang husgado ang magdesisyon sa iringan sa politika ng “aking makisig na katunggali.” “Basta po ako, patuloy lang sa aking trabaho at maghihintay nang matahimik sa magiging utos ng Comelec at ng husgado,” sabi ni Maliksi. Nakikiusap si Maliksi sa lahat na iwasan ang pagkakalat ng intriga sa politika at walang batayang balita. “Tulad ng sinabi ng aking katunggali, idaan natin ang lahat sa maayos na proseso ng batas at iwasan ang karahasan,” pagtatapos ni Maliksi. 


By: TESS LEONILLO & ET │ Operation Eposé Vol. 9 Blg. 45 May 20-26, 2012      

No comments:

Post a Comment