BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

Masyadong maliit ang tingin mo sa tao


‘YAN ang impresyon ko sa mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto noong mapanood ko ang video na inuumbag ng husto ang 65 years old na batikang newsman na si Mon Tulfo. Na parang tatay na ninyo, grabe isang senior citizen laban sa malakas at isang tropa, paano na ang mga humahanga sa inyong mga fans baka ganito din kaliit ang tingin nila sa tao dahil mga idolo kayo, sana baguhin ninyo ang style na iyan, blackeye ang inabot ng isang senior citizen dumilang sa binti at hita ang nakita natin tadyak daw galing kay Mon. Sana maging mahinahon ang mga utol ni Mon at lumabas ang tamang hustisya sa kaso. 


PNP SOSIA, KASTIGUHIN NINYO ANG MGA PALPAK NA GUARDS NG NAIA
Hehehe, nanigas at natulala ang guard ng NAIA 3 noong inumbag ng grupo ni Raymart si Mon akala yata nila ay shooting ang nagaganap dahil mag-asawang artista ang mga involve, aba’y walang maagap na pag-awat ang ginawa ng mga guards, sana mabigyan ng pansin ni Chief Supt. Tomas Rentoy


MGA MANGINGISDA SA MASINLOC NA PINOY, ITINATABOY NG MGA CHINESE
Pangulong Noy sana po aksiyunan ninyo itong pang-aapi sa atin ng mga Chinese vessel na nakaposas sa Scarborough Shoal – Panatag Shoal para hindi makapangisda sa 200 nautical mile ng EEZ ng bansa, ayon sa AFPNorthern Luzon Command, nasa 23 Chinese utility boats at pitong bangka ang nagmomonitor sa lagoon ng Scarborough Shoal bukod pa dito ang 3 maritime ship nitong surveillance ship 65, CMS S1 at Fishery Law Enforcement Command (FLEC-310) samantalang tayo ay may 2 barko lang na nakaporma na BRP EDSA at rescue vessel ng PN. 
200 mangingisda ng Pilipinas ang nagrereklamo kay Masinloc Mayor Desiree Edora na hindi makapaghanapbuhay sa lugar, ang mga Chinese na mangingisda na lang ang nakakapanghuli ng isda dito.

By: BOBBIT BENITEZ │ Operation Eposé Vol. 9 Blg. 44 May 13-19, 2012    


No comments:

Post a Comment