BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

Maraming salamat po Chief! – mula sa may-ari ng nawawalang sasakyan


NAGPAPASALAMAT po ang inyong lingkod sa hepe ng Cavite City na si P/Supt. Rommel Javier sa mabilis na aksiyon upang mahanap ang nawawalang Nissan X-Trail na may plakang PIR-517 na nailathala ko noong nakaraang isyu. Mukhang malapit na nating ma-recover ang unit na ito na pag-aari ni Miguel Asim. Kung sino po ang nakakita sa sasakyan na ito na Nissan X-Trail na may plakang PIR-517 at Conduction Sticker na KC 5419 ay itawag o itext sa numerong 09993689386. 
Marami pong salamat P/Supt. Rommel L. Javier. 
***

CHIEF ENGR. HOLASCA
Binabati ko si Chief Engr. Canuto Holasca na dean ng AIMS Maritime College sa Pasay City na nagdaos ng kanyang kaarawan noong May 1, 2012, ang mahusay na engr. na matagal naging OFW at ipinagpatuloy ang kanyang career sa pagtuturo ng kanyang kaalaman sa larangan ng maritime industry sa Pilipinas. Sa kanyang maybahay na si Dra. Lourdes Holasca na kilala naman sa larangan ng TESDA Program sa probinsiya ng Cavite, sana bigyan pa kayo ng mahabang buhay at lakas upang marami pa kayong matulungang tao.
***

NOVELETA TOWN FIESTA 2012

Sobrang saya ang 3 araw na selebrasyon sa bayan ng Noveleta mula May 1-San Jose Barrio Fiesta, May 2 na may karakol ng Banal na Sta. Cruz na ipinakikita ng taga-Noveleta ang pagmamahal nila sa Banal na Patron mula sa 2 simbahan ng katoliko romano at aglipay. May mga konsiyertong naganap sa plaza ng Noveleta, parada ng musiko at iba’t ibang lugar na pinanggalingan ng banda, Marikina, Lumban, Laguna at MMDA Band at marami pang dumalong musikero sa taunang parada ng banda sa bayang nabanggit. Binabati ko si Hon. Mayor Engr. Boy Alvarez sa magandang fireworks at mga konsehal ng bayan ng Noveleta, pati mamamayan na residente sa Noveleta at 2 pari na nangangalaga ng Banal na Krus, mabuhay kayo!



By: BOBBIT BENITEZ │ Operation Eposé Vol. 9 Blg. 43 May 06-12, 2012 

No comments:

Post a Comment