BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

Makasaysayan Ang Pamahalaan Diktatoryal - May 24, 2898 Itinatag saCavite Puerto

KASAYSAYAN ...


Ang mansyon ng nasirang Don Maximo 
Inocencio kung saan itinatag 
ang Pamahalaang 
Diktatoryal sa Cavite Puerto 

NOONG ika-24 ng Mayo taong 1898, ang Pamahalaan Diktatoryal ay itinatag ni Heneral Emilio Aguinaldo sa pamamagitan ng pagpapadala ng isang proklamasyon. Ilang kopya ng dokumentong ito ay ibinigay kay Almirante Dewey at sa pamamagitan niya sa lahat ng mga banyagang konsul sa Maynila.
Mula sa tahanan ni Don Maximo Inocencio ang Pamahalaan Diktaroyal ay inilapat sa “Casa Gobierno Civil” ng mga kastila sa Cavite Puerto.
Dahil sa malaking pagdating ng mga tao sa buong kapuluan na umapaw sa tahanan ng nasirang Don Maximo Inocencio kung saan dating naroon ang Pamahalaan Diktatoryal. Dito sa “Casa Gobierno Civil” tinanggap niya ang isang magandang balita sa pagdating ng mga pauwing armas na ibinaba sa daungan ng Arsenal ng Cavite mula sa barkong “USS Petrel” ang mga riple na bumibilang sa isang libo’t siyam na raan siyamnapu’t siyam (1,999) at dalawang daang libo (200,000) punglo at mga kagamitang panghukbo.
Nagpadala kaagad si Heneral Emilio Aguinaldo ng isang komite para pasalamatan si Admiral Dewey sa pagdating ng ekspedisyon. Kaagad ipinag-utos ni Heneral Aguinaldo ang pamamahagi ng armas sa mga probinsiya. At ipinadala rin sa mga rebolusyonaryo  sa Kawit sa Baryo Alapan noong gabi ng Mayo 27 taong 1898.


Ang Casa Gobierno Civil ng mga kastila. Kung saan inilipat ni
Hen. Emilio Aguinaldo ang Pamahalaang Diktatoryal mula sa tahanan  

ni Don Maximo Inocencio.





References:
Mula sa: Resena Veredica de la Revolucion Filipina
(True Account of the Philippine Revolution)

Emilio Aguinaldo



By: WILLY PAÑGILINAN │ Operation Eposé Vol. 9 Blg. 45 May 20-26, 2012    

2 comments:

  1. it helps me a lot ! ! ! ! ! ! !
    <3

    ReplyDelete
  2. ang GANDA! KO!! HEHEZZXSS

    ReplyDelete