BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

Mabahong Hininga na Hindi Masikmura


CAVITE HEALTH WATCH
ANG bad breath ay ‘di kanais-nais na amoy na nagmumula sa bibig. Maaaring hindi ito  namamalayan hanggang may taong makakapuna. Gayunpaman ang lahat ay nagnanais ng hiningang pwedeng ipanlaban sa halikan. Dahil dito, ang mga taga-gawa ng mga mouthwash, mints at mouth sprays ay tumatabo ng milyun-milyong piso tauntaon. Subalit ang mga produktong ito ay panandaliang tulong lamang sa pagkontrol ng bad breath na kilala bilang “halitosis”. 

Marami ang sanhi ng bad breath. Pangkaraniwan dito ang
• kawalan ng “dental hygiene”. Ang iba pang mga kadahilanan ay
• gum disease,
• tooth decay,
• impeksiyon sa ilong o lalamunan,
• hindi maayos na diyeta,
• constipation,
• paninigarilyo,
• di-makontrol na diabetes,
• liver o lung disease,
• indigestion,
• permentasyon ng mga tinga sa bibig,
• postnasal drip,
• stress at masamang bacteria sa colon.
• Ang pagkain ng mga mamantika at may malakas na amoy tulad ng bawang at sibuyas ay nagbubunga ng bad breath.
• May iba pang gulay at spices na nagdudulot rin ng bad breath.
• Ang palagiang impeksiyon sa baga ay maaaring magdulot ng masangsang na hininga.

May ilang karamdamang nagdudulot din ng kakaibang amoy ng hininga.
• Halimbawa, ang kidney failure ay nagdudulot ng amoy ihing hininga.
• Ang liver failure naman ay nagbubunga ng hiningang amoy isda.
• Ang isang diabetic ay kalimitang may amoy prutas na hininga.


Ayon  sa  mga pananaliksik tinatayang sampung porsyento ng kaso ng halitosis ay dulot ng  sinusitis,  tonsillitis at iba pang katulad na kondisyon. Napag-alaman din na ilan sa mga dumaranas ng halitosis ay walang malay sa kanilang sakit. Sa kabilang banda may mga taong nagaakala na mayroon silang halitosis subalit wala naman. lto ang tinatawag na  psychogenic halitosis. Ang problemang ito ay dinaranas ng ilang taong mayroong eksaheradong sensation. Kalimitan, ito ay dala ng isang  malubhang mental disorder tulad ng  schizophrenia. Minsan ang mga taong palaisip ng masama ay nakadarama ng matinding epekto sa kalusugan 


Makatutulong sa mga taong may psychogenic halitosis ang pagbibigay ng doktor ng solusyon hinggil sa pagsugpo sa bad breath. Kung magpapatuloy ang problema nangangailangan na ang pasyente ng isang psychotherapist.

TULONG PANSARILI UPANG MAIWASAN ANG BAD BREATH
Para sa karamihan, ang bad breath ay naisasaayos sa pamamagitan ng pagsunod sa ilang simpleng pamamaraan:
• Regular na checkup sa dentista.
• Pagsisipilyo ng ngipin matapos kumain. Linisin din ang dila para matanggal ang mga patay na cells.
• Gumamit ng dental floss isang beses bawat araw para matanggal ang mga tinga sa pagitan ng mga ngipin.
• Uminom ng maraming tubig para mapanatili ang pagiging basa ng bibig. 
• lwasan ang mga matatapang na pagkaing nagdudulot ng bad breath tulad ng sibuyas at bawang. lwasan din ang spicy foods. Ang beer, kape, at alak ay nag-iiwan ng residues na dumidikit sa malambot na bahagi ng ngipin at sa bawat paglabas ng hangin ay lumalabas din ang masamang amoy.
• Palitan ang inyong toothbrush tuwing ikalawa o ikatlong buwan. 
• Magmumog matapos gumamit ng inhaler medication.
• lwasan ang mga pagkaing madaling maipit sa pagitan ng mga ngipin na pinagmumulan ng tooth decay tulad ng karne, gulay na maugat kagaya ng baguio beans, mga matatamis lalo na yaong malalagkit. 
• Linisin ang loob ng  katawan sa pamamagitan ng pag-inom ng fresh lemon o kalamansi at tubig.
Sumailalim sa detoxification process.


Supplements with Scientific Support
1. Ang vitamin C ay nakatutulong magpalusog ng gilagid. Uminom ng 2 hanggang 4 na gramo kada araw.
2. Uminom ng  acidophilus araw-araw. Ang acidophilus (good bacteria) ay tumutulong balansehin ang  microflora sa inyong colon, na naglalayong mabawasan ang odor-generating fermentation.
3. Ang digestive enzyme at hydrochloric acid ay tumutulong na tunawin ang mabibigat na protina at nakababawas ng protein breakdown ng bacteria, isang proseso na naglalabas ng di-kanais-nais na amoy.
4. Ang mga chlorophyll tablets o liquid ay maaaring pansamantalang magdulot ng kulay berdeng dila. Subalit tumutulong din itong maisaayos  ang inyong hininga. Ang chlorophyll ay natural na deodorizer at isang aktibong sangkap ng mga popular na breath mints. Ang  alfalfa, kasama ang wheat grass, na may taglay na chlorophyll, ang naglilinis sa bloodstream at colon. Uminom ng 500 hanggang 1000 mg na tablet o isang tablespoonful ng likido ng chlorophyll 3 beses araw-araw. 5. Ang pagnguya ng parsley matapos kumain ay mabisang gamot sa bad breath. 


TANDAAN na ang bad breath ay maaaring senyales ng iba pang suliraning kalusugan. Komunsulta sa  inyong doktor para sa isang malawakang check-up kung ang sariling paggagamot at supplements ay walang
bisa sa inyong kalagayan.




By:  EDWIN POBLETE M.D.  │ Operation Eposé Vol. 9 Blg. 45 May 20-26, 2012      


3 comments:

  1. Gusto mo ba ng online work?
    Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
    Email me: tirada_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
    Contact Number: 09465046302
    For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

    ReplyDelete