BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

Kapistahan ng Noveleta ay pagdiriwang ng isang taong masagana, matahimik at pagliligtas sa mga kalamidad- Mayor Boy Alvarez


ANG pagdiriwang ng Fiesta ay taon taon nang ginagawa ng mga taga Noveleta bilang pasasalamat at pagbibigay papuri sa kanilang patron kay Nuestra Señora Dela Paz y Buenviaje at Sta. Krus. “Ito ay ang aming pasasalamat sa isang taong masagana, matahimik at pagliligtas sa anumang uri ng kapahamakan at kalamidad”, pahayag ni Mayor Boy Alvarez. Ang magandang pagpupuri sa mahal na patron ay sa pamamagitan ng pagsasayaw, pagkanta at pagtugtog ng Banda. Kasabay ng kapistahan ay mayroong Dental at Medical Mission, Mobile NBI at NSO. Malaking tulong ang pagkaroon ng NBI clearance sa mga estudyanteng nagtapos ng High School at College na maghahanap ng trabaho. Sa mga mag-aaral sa taong ito, kailangan nila
ang birth certificate kaya nagsagawa ng Mobile NSO ang butihing alkalde.  Sa darating na May 29 may libreng tuli naman para sa mga magbibinata na. Isang masaya at makabuluhang pagdiriwang ng Fiesta ang handog ng pamahalaan ng Noveleta para sa mamamayan.

No comments:

Post a Comment