BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

IWAS HOLDAP: IBALIK ANG MGA SECRET MARSHALL SA MGA PAMPASAHERONG BUS.

EDITORYAL - NITO lamang Mayo 15, dakong ala 1:15 ng hapon, muling sumalakay ang mga kilabot na holdaper na sumasampa sa mga  bus, matagumpay na naisagawa ang panghoholdap sa pamamagitan ng pagtutok ng patalim sa driver ng bus habang hawak ang mga baril, ay isa isang nilimas ang mga pera at cellphone at mahahalagang gamit ng mga  pasahero. Ang panibagong biktima ng holdap ay ang CEMT transport bus na may plakang TYR -578, naganap ang insidente habang binabagtas ng bus ang kahabaan ng EDSA sa may E. Rodriguez Street sa Malibay Pasay. Sa ulat ng pulisya, base sa salaysay ng mga pasahero,sinasabing sumakay ng bus ang anim na lalaki sa may Roxas Boulevard sa may Paranaque City at ng sumapit sa nabanggit na lugar ay naglabas ng patalim at mga baril ang apat sa mga ito at nagdeklara ng holdap habang tinutukan ng patalimang driver na si Corbeta upang ipagpa-tuloy ang pagmamaneho. Matapos malimas ang mga pera, cell phone, alahas at mga gamit ng mga pasahero ay bumaba ng bus sa may bahagi ng Malibay, Pasay patungo sa may Malibay fly-over. Naireport na lamang ng mga pasahero sa himpilan ng pulisya ang naganap na panghoholdap at ang deskripsyon ng mga holdaper. Hindi lamang isang kaso ng panghoholdap ang nagaganap sa mga pampasaherong bus.Kamakailan lamang sa lunsod Quezon ay ganito din ang insidente na inabangan pa ng mga awtoridad at tsinek up ang mga pampasaherong bus subalit bigo ang mga ito na mahuli ang mga holdaper na sinasabing bumaba sa ibang lugar bago pa ang isinagawang checkpoint ng mga kaanib ng kapulisan. Sa holdapang nagaganap sa mga bus, laging bigo ang mga awtoridad na mahuli ang mga holdaper, bibilang pa ng linggo o buwan bago maresolba ang kaso, naka depende sa deskripsyong ibibigay ng mga naging biktima at sa record ng mga nahuli sa ganitong kaso. Sa mga ganitong insidente ng holdapan sa mga bus, hindi lamang personal na pag aari ng mga biktima ang posibleng kunin ng mga holdaper kundi maging ang kanilang sariling mga buhay.
Kung noon ay napipigilan ang mga ito sa pagtatalaga ng mga secret marshall bakit hindi ibalik ang mga ito ng matigil at matuldukan ang holdapan sa mga pampasaherong bus..mawakasan ang kawalanghiyaan at pagsasamantala sa mga kawawang pasahero..

No comments:

Post a Comment