BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

ISANG HARI NA LASING SA KANYANG KAPANGYARIHAN

REKTAHAN-- MAY isang maunlad na kaharian na pinamumunuan ng isang mabait na hari. Lahat ng kanyang nasasakupan pag lumalapit sa kanya walang “hindi” sa hari na ito, lahat ay nabibigyan niya ng tulong kaya dahil dito mahal na mahal siya ng mga tao. Sa haba na ng kanyang panunungkulan, kumpiyansa ang hari na ito na magtatagal siya sa kanyang trono. Lingid sa kanyang kaalaman ang kanyang mga pinagkakatiwalaan sa palasyo ay gumagawa na ng hakbang ng palihim na mag-aalsa laban sa kanya. Ang kawawang hari na ito, pagkasama niya ang mga ito, ay napakabuti sa kanyang harapan. Magugulat na lamang ito na isang umaga sa kanyang pag gising wala na ang karangyaan at kapangyarihan sa kanya na gaya ng kanyang pagtatamasa sa kasalukuyan.


Sa kabila ng kabutihan ng hari na ito, mahilig ito sa babae, marami na siyang asawa nguni’t kung may magustuhan kahit ano pa ang estado ng babae walang kawala pag nagustuhan niya ito. Kalat na kalat na sa kaharian ang walang ka “taste taste” ika nga nila ng hari sa pagpili ng kanyang “kulasisi”. Mayroon din siyang “babae” sa ibang kaharian. Dahil sa hilig na ito ng hari, sobrang napaka galante niya sa kanyang mga “babae” at dahil dito ang kanyang mga alepores ay parang mga gutom na Leon sa panggigipit sa mga mahihirap. Naglipana na rin sa kahariang ito ang mga  kalapating mababa ang lipad na kahit “bubot” pa lamang ay nagsikalat sa kaharian. Palibhasa gawain ng hari ang “hayok” sa laman, hindi niya ito nakikita. Sa mata ng ibang kaharian kapuri-puri ang hari na ito, ngunit ang totoo untiunti nang nalalantad ang tunay na katayuan ng kaharian. Sa labas isang napakagandang palasyo nguni’t nabubulok na ng paunti-unti ang
loob nito.

Sa ngayon, walang kamalay-malay ang hari na ito sa maaaring kahihinatnan ng kanyang kaharian dahil sa sabi nila ito ay parang lasing na nagpapakasasa sa kanyang kapangyarihan.

By: MARITES LEONILLO │ Operation Eposé Vol. 9 Blg. 44 May 13-19, 2012    

No comments:

Post a Comment