BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

HEAT STROKE

Edwin Poblete M.D.
"Cavite health Watch"

│ Operation Eposé Vol. 9 Blg. 43 May 06-12, 2012   
IBANG klase ang taas ng temperatura ngayong taginit. Marahil dala na rin ng “climate change” ay nagiging sukdulan ang nararamdamang init sa magdamag. Usung-uso pa naman ang gimikan ngayon sa beach! Summer kasi at bakasyon na ng mga estudyante kaya marami ng nailalaan  na oras para sa “outdoor activities”. Marami ring sakit ang dala ng panahong tag-init, kabilang na ang mga sakit sa balat, sipon, ubo, altapresyon at ang “heat stroke”. Ano nga ba ang heat stroke at bakit pinangangambahan ito? Ayon kay Dr. Eric Tayag, director ng National Epidiomology Center (NEC) ng Department of Health (DOH), ang heat stroke, ay namumuong init sa loob ng katawan at maaaring ikamatay ng sinuman sa sandaling umatake at hindi mapigilan o kaagad na  malunasan. Ito rin ay isang anyo ng “hyperthermia”, isang abnormal na temperatura na namumuo sa katawan ng isang tao, at may kaakibat na pisikal at “neurological” na mga sintomas. Mas malala ang heat stoke kaysa sa “heat cramps” at  “heat exhaustion”, at ito ay maituturing na isang “medical emergency” kapag hindi kaagad nalunasan. Ang pamumulikat sanhi ng init o heat cramps ay ang matinding pananakit ng mga kalamnan o muscle. Kadalasan itong nararamdaman sa may sikmura at iba pang kalamnan na ginamit sa pag¬eehersisyo. Ang heat exhaustion naman ay may mga sintomas gaya ng pagtaas ng temperatura ng katawan, mabilis na pagtibok ng puso, panghihina, mababang presyon ng dugo, panlalamig ng balat at pagkahilo. Ito ay madalas maramdaman matapos ang labis na pamamawis at kakulangan sa pag-inom ng likido. Matatanda at batang may edad dalawa pababa ang madalas  namang nanganganib sa mga masasamang epekto ng heat stroke dahil mahina ang kanilang  etabolismo. Ang iba namang posibleng tamaan ng heat stroke ay ang mga may edad na dumadanas ng sakit sa baga, bato, o iyong mga umiinom na ng maraming gamot. Maaari ring maging sanhi ng heat stroke ang dehydration na nakikita sa mga tao na kalimitan ay bilad sa araw sa kanilang pagtatrabaho at maging sa mga atleta din. Ang mga sintomas ng heat stroke ay pagkulo ng tiyan, pagsusuka, pagkahapo,  nanghihina, pagkahilo, pananakit ng kalamnam, at mga “hallucinations”. Gayunman, ang isang  indibiduwal ay maaari ring makapag-develop ng heat stroke sa loob ng katawan, kahit walang makikitang sintomas. Ang pinaka madalas na mga senyales ng taong mayroong heat stroke ay ang pagkakaroon ng mataas na “body temperature”, kawalan ng abilidad na pagpawisan, pamumula ng balat, mabilis na pulso, hirap sa paghinga, pagkabalisa, panginginig ng kalamnan (seizures), at kawalan ng malay. Ano ba ang dapat gawin para maiwasan ang heat stroke? Kinakailangan na kaagad mabigyan ng lunas ang isang dumaranas ng heat stroke bago tuluyang magkaroon ng permanenteng organ damage. Una, dapat ilagay sa malamig na lugar ang biktima, painumin ng malamig na tubig, at tanggalan ng damit. Maaari rin na sprayan ng tubig na malamig mula sa garden hose ang biktima, lagyan ng yelo sa kili-kili at i-monitor ang body temperature. Maiiwasan din ang heat stroke kung papanatilihin lamang ang pag-inom ng tubig maya’t maya, kahit hindi nakakaramdam ng uhaw. Dapat ding umanong  pakaiwasan ang paginom ng alkohol at kape, dahil maaari itong maging daan para sa dehydration. Kung ikaw ay pawisin at matagal na nabibilad sa araw, mas makakabuting kumain ka ng mga pagkain mayaman sa fluids. Ipinapayo ng NEC-DOH ang pagsusuot ng sombrero, at mga maninipis at maluluwag na damit. Binibigyan-diin na hindi kaagad-agad dinadapuan ng heat stroke ang isang tao. Ito umano ay dahan-dahang nadedevelop muna sa loob ng kanyang katawan. Ang mas mabuti ay agad na kumunsulta sa doktor kung nakakaramdam ng mga nabanggit na sintomas upang mabigyan kaagad ng karampatang lunas. Hanggang sa muli  mga kaibigan!



No comments:

Post a Comment