BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

Heat Stoke anong pinsala sa panahon ng sports?

SPORTS DIMENSION

Ay naku! Ang init sa lahat ng dako sa bayan ni Juan Caviteño, lalu na ngayon sa panahon na humahanap an gating komisyon ng palarong pambasa sa bayan ng Pangasinan ng mga atletang pambato na ipanlalaban sa pandaigdigang palaro. Dito kasi kinukuha ang ating mga atleta na maaari nating gamitin sa hinaharap at dito rin nakakakuha ng atletang subok sa panahon sa lahat ng antas ng sports. Gayunpaman, nakakalungkot na  malaman na karamihan sa ating mga delegado ng ibat ibang rehiyon ng ating bansa ay limitado ang kakayahang bigyan ng kinakailangang budget para matugunan ang pangpinansyal na pangangailangan ng mga atleta. Halimbawa na lamang ang inumin, pagkain at simpleng pamiryenda sa mga opisyal ng mga delegado. Maliit ngunit kung susumahin ay mabigat sa bulsa ng karamihan, sanhi na rin ng hindi paglalaan ng pondo ng ilang mga opisyal ng bayan na pinangagalingan upang matustusan sila. Bakit po natin ba nais bigyan ng pansin ito? Sa kadahilanang karamihan o halos lahat ng mga atletang sumali sa ating Palarong Pambansa ay tinamaan ng Heat Stroke. Napaulat na umabot sa 162 mga atleta ang naisugod sa mga klinika upang maibsan ang kanilang nararamdamang panlulumo, pagkauhaw, pagkakaroon ng tinatawag na “muscle cramps”, pagkahilo, at ang biglaang pagkahimatay. Lahat ng mga ito ay ilan lamang sa mga sintomas ng sobrang init ng panahon. Subalit kahit na sabihin na handang handa ang ating mga atleta, hindi pa rin maubos isipin na kinulang din ang komisyon na matugunan ang pangangailangan na magamot ang ating mga delegasyon sa kadahilanang kulang din sa pondo para sa mga tinatawag na “basic” needs ng malaking palaro
tulad nga ng Palarong Pambansa. Idagdag pa sa kalulangan din sa paghahanda ng ating komisyon. Karamihan sa mga opisyal nito ay pinilit na paglaruin ang mga atleta para idaos ang labanan kahit sa kalagitnaan ng initan. Isabak ba naman ang mga manlalaro sa pagitan ng alas 2 ng hapon hanggang alas-5 ng hapon. Kung sa bagay, mayroon din sinusunod ang mga opisyal na schedule para mapadali ang labanan, kaya lang isip isipin na lamang na hindi mga robot ang mga manlalaro, limitado ang kanilang kakayahan, at malaki ang epekto ng init sanhin ng pagkakaroon ng heat stroke sa halos lahat ng mga delegado ang kanilang siguradong makukuha. Kung gayung gayun pa rin ang gagawin ng ating mga opisyal ng palaro, malamang nito ay hindi magiging matagumpay ang pagkuha ng magagaling na atleta ng bansa ang posibleng lalabas sa pagtatapos ng palaro. 
Sa ganang akin, totoo na hindi kakayanin ng mga pinoy ang pagkakaroon ng magarbong pageensayo sa lahat ng sports, biruin mo, kahit ang ating mga magagaling na manlalaro tulad ni Manny Pacquiao ay umaakyat pa ng Baguio o pumupunta pa ng Amerika para lamang makaiwas sa matinding init. Dahil nga malaki ang epekto ng klima at ang matinding init sa ating bansa. Sana naman, bigyan pa rin ng pansin ang isa sa mga balakid na makakuha ng magagaling na atleta sa susunod na henerasyon. Sapagkat, nasa kabataan nakasalalay ang kinabukas ng ating bansa, ayon sa ating bayaning si Jose Rizal.
Hanggang sa muli

By: EMAN CAYABYAB │ Operation Eposé Vol. 9 Blg. 44 May 13-19, 2012    

No comments:

Post a Comment