BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

Ang tagumpay ay nagsisimula sa Disiplina


REKTAHAN
ISA ako sa  mga nangangarap na sana pag gising ko isang araw malinis ang ating kapaligiran, malinis ang mga ilog, nasa ayos ang lahat. Sana nga kong malinis lamang ang mga ilog masarap ang maligo dito. Lalong-lalo na sobrang napakainit ng panahon ngayon. Sobrang naaliw talaga ako sa kwento ni Sir Ely Taparan sa Canada daw ang mga tao don ay disiplinado. Minsan raw, kumain siya sa isang restaurant sa Canada, nasanay siyang dito sa Pinas pagkatapos kumain ng mga tao iniiwanan ang mga kalat sa mesa. Doon daw, sinabi ng kanyang anak na tingnan ang mga kumakain, pagkatapos nilang kumain nakita niya na nililigpit ng mga customer ang kanilang pinagkainan. Hinihiwalay na nila ang mga plastic at mga papel at nakapila pa daw
ang mga tao sa pagtapon ng kanilang basura. Pinupunusan din nila ang mesa, galing naman! Dito kaya may gumagawa ba ng ganoon?

Minsan nang nasa Mall ako pagkatapos kung kumain niligpit ko ang kinainan ko at tinapon sa basurahan ang kalat ko sa pag aakalang sana may makakita at gumaya. Actually may nakita kasi na ganoon ang ginawa kaya ginaya ko rin. Sa Canada daw, pag ang basura sa mga bahay-bahay ay hindi naka segregate, hindi kukunin ng mga basurero ang basura, magbibigay sila ng sulat sa may-ari at magmumulta sila at sila din magdadala ng kanilang basura. Kaya ang mga tao doon ay disiplinado dahil kung hindi multa ka na, hindi pa kukunin ang basura mo.

Sa atin dito, halos mapaos na ang gobyerno sa paalala sa tamang pagtatapon ng basura ang segregation wala pa ring nangyayari. Pero siguro kong mayroon lamang political will ang gobyerno sa pag disiplina sa mga tao siguro mapapatupad din ang batas. Bakit sa ibang bansa ang mga Pinoy na napunta doon ay sumusunod sa mga batas dahil natatakot sila sa kulong at multa. Hindi puwede doon ang mga ugali dito na iiral doon. Dito sa aking palagay ang batas dito ay parang suggestion lang. Pinapaalam lang na bawal magtapon ng basura sa ilog, nguni’t marami pa rin ang nagtatapon ng basura. Bakit? Kasi wala naman may nakabantay. Pero kung mayroon talagang mahuli parusahan at mamultahan tingnan lang natin kung may magtatapon pa.
Sabi nga ni sir Ely Taparan ang PR Officer ng Imus 50 years ang abanse ng bansang Canada sa atin. Sa disiplina pa lang walang wala na tayo. Maging sa serbisyo doon, mantakin niyo naman libre ang edukasyon, ang mga estudyante pati ang kanilang yaya libre sa mga pampublikong sasakyan. Ang galing ano!, maging ang hospital daw doon ay libre din. Kaya ang dami talagang nangangarap na tumira sa bansang Canada. Doon kasi walang kotong!, pinapatupad ang batas! Kaya ganoon na lang ka disiplinado ang mga tao doon kaya matagumpay ang kanilang bansa. Sa atin kaya, sino kaya ang mamumuno sa atin na talagang maipapatupad ang tama! Kailan kaya tayo makapagsimula? May pag-asa pa ba?

By: MARITES LEONILLO │ Operation Eposé Vol. 9 Blg. 44 May 13-19, 2012    


Nagkaroon ng  Oplan Linis sa Villa Canacao Sub. Ito ay pinangunahan ng kanilang President na si Mr. Ernie Trinidad kasama sina Michelle Mojica, Annie Manapat, Mrs. Perea, Grace Pasugnod at Ernie Dela Cruz. Nais ng grupong ito na mapanatili ang kalinisan at kaayusan sa buong subdivision. Ito ay magsilbing halimbawa sa mga nakatira doon na maglinis ng kanilang bakuran.

No comments:

Post a Comment