BLG.

PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

Ang Malaking Problema ng Anemia


MARAHIL ay kilalang-kilala mo na ang mga sintomas ng anemia: 
• pamumutla,  
• madaling pagkapagod,  
• pagiging  ginawin, at iba pa. 

Pero ano nga ba ang anemia? Para sa iba, ang pagkakaroon na ng mataas na presyon ng dugo (blood pressure) ay nangangahulugan ng sila ay hindi anemic, at anemic naman sila kapag ito ay mababa.
Ngunit mali ang ganitong pananaw ng ilan sa ating mga kababayan. Ang pagiging “low blood” at anemic ay dalawang magkaibang bagay 

Ating intindihin: ang blood pressure ay 
sumusukat sa lakas ng bugso o daloy ng dugo sa ating mga ugat.
► Para sa isang adult, nasa pagitan ng reading na 90/60 hanggang bago mag 120/80 mmHg ang normal
na blood pressure.
►  Kapag 120/80 o higit pa, maaaring ituring ito na ito na hypertension (high blood ang tawag ng ilan). Nangangahulugan itong mataas ang presyon ng dugo sa loob ng ating mga ugat. At ang kasalungat nman nito ay hypotension (low blood). Ito ay kapag mas mababa sa naturang normal range naman ang presyon ng dugo. Pero bago  maturingang may hypertension or hypotension, kailangan munang suriing maigi ang indibiduwal sapagkat marami ring mga kadahilanan na nakakaapekto sa pagtaas o pagbaba ng blood pressure. 
Samantala, ang  anemia naman ay ang kakulangan ng tinatawag na red blood cells sa ating dugo. Sa ganitong tamang konsepto, pwede tayong makakita ng isang indibiduwal na may mataas na blood pressure subalit mayroon ding mababang red blood cell count. Ika nga, “hypertensive sya, at the same time, anemic din”. Ang red blood cells ay nagsisilbing transportasyon ng oxygen upang makarating sa iba’t ibang bahagi ng ating katawan.

Nagsisilbing enerhiya ang oxygen para patuloy na gumana ang organs ng katawan. 
Halimbawa: 
• ang utak para makapagisip, 
• ang kidneys para makasala at gawing  malinis ang dumadaloy na dugo, at ang mga
• muscles para may lakas sa paggalaw,ay nangangailangan ng oxygen.

Ang red blood cells ay sadyang madikit sa oxygen kung kaya’t may kakayahan itong dalhin ang oxygen sa iba’t ibang parte ng katawan sa pamamagitan  ng pagdaloy sa mga ugat. 

Sinu-sino ang nagkakaroon ng anemia? Bagamat maraming klase ang anemia, tatalakayin natin ang pinakakaraniwang klase: ang  iron deficiency anemia. Ang pinakamalimit na dahilan ng sakit na ito ay ang pagkawala ng dugo sa katawan katulad ng operasyon, panganganak, excessive na menstrual flow (1/3 cup ng dugo ang normal na nawawala sa babae sa bawat buwanang dalaw), at ang pagkakaroon ng mga ulcer sa bituka o small intestines. 

Ano ang mangyayari kung tayo ay anemic? Hindi sapat ang oxygen na natatanggap ng ating katawan kung kaya’t ang ilan sa mga sintomas ay madaling pagkapagod  at pagkakapos sa paghinga (kulang ang energy source na oxygen sa muscles), pamumutla (kakulangan sa red blood cell na nagbibigay ng mala-rosas na kulay sa ating kutis, talampakan, palad, labi at conjunctiva ng mata), sakit ng ulo, pamamanhid at panlalata (kakulangan ng supply na oxygen sa utak at sa ibang parte ng nervous system), at ang malakas at mabilis na pagtibok puso (nagko-compensate ang puso upang matugunan ang pangangailangan ng body cells sa oxygen gamit ang mangilan-ngilang available na red blood cells). Ang mga ito ay ilan sa mga karaniwang nararamdaman ng taong anemic. Bukod sa pagpuna ng mga sintomas na ito, kailangan ding maconfirm sa pamamagitan ng laboratory examination ang anemia. Complete blood count ang procedure na ginagawa. Dito, kumukuha ng blood sample, sinusuri ang dugo sa ilalim ng microscope at nakikita ang bilang ng red blood cell, white blood cell at platelets.

Ano ang dapat gawin? Kapag ang dahilan ay ang pagkakaroon ng ulcer sa bituka o small intestines, kinakailangang sumangguni sa manggagamot upang mabigyan ng lunas ang mismong sanhi ng anemia. Dahilan
sa ang taong anemic ay madaling mapagod, kinakailangan ng malimit na pagpapahinga sa pagitan ng mga pang-araw-araw na gawain. Ito ay upang hayaang makahabol ang kaunting red blood cells na dumadaloy sa
pagdedeliver ng oxygen sa katawan. Bagama’t nariyan na ang kakulangan sa red blood cells, ang goal ay  dapat mapalitan ang nawala sa katawan upang mabalanse. Upang matulungan ang katawan sa paggawa ng panibagong mga red blood cells, kailangan  nito ang iron supplements. Ang iron ay tumutulong sa maturation ng mga panibagong red blood cells na ginawa ng ating red bone marrow. Kung sapat ang iron intake, mas mabilis ang pagbabalanse ng nawalang red blood cells sa katawan. Ang ilan sa mga pagkain na mayaman sa  iron ay ang green leafy vegetables katulad ng spinach at dahon ng malunggay at ampalaya. Maganda ring source ng iron ang pula ng itlog at atay. Maaari ring uminom ng iron tablets or capsules lalo na kapag ang babae ay buntis. Nabibili ito sa botika kahit walang prescription mula sa doktor. Nasa form ito ng Ferrous sulfate. Paalala kapag naka-iron supplement: hindi dapat iniinom ito ng walang laman ang tiyan sapagkat nagdudulot ito ng pagtaas ng antas ng asido sa tiyan. Karaniwan ding nagiging maitim ang dumi ng taong umiinom ng iron supplements. Sila ay maaari ring magkaroon ng constipation o di naman kaya ay diarrhea. Huwag mabahala kapag napansin ang mga ito. Kapag masyado naman nang mababa ang bilang ng red blood cells, maaaring nangangailangan na ito ng blood transfusion upang kaagad-agad malunasan ang problema. Huwag bale walain ang anemia. Ito ay maaaring sintomas ng isa pang malaking problema sa katawan tulad ng pagkawala ng dugo. Palagiang kumain ng mga gulay na mayaman sa iron. Kumunsulta kaagad sa doktor upang malaman ang sanhi nito. 

Ang Malaking Problema ng Anemia
By: EDWIN POBLETE M.D. │ Operation Eposé Vol. 9 Blg. 46 May 27-June 02, 2012 issue

1 comment:

  1. Gusto kong magkaroon ng aesthetics dibdib. Naghahanap ako para sa isang plastic siruhano sa Turkey.
    Memeestetiği

    ReplyDelete