BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

Abril 30, 2012 ARAW NG MGA MANGINGISDA


Noong  Abril. 30, 2012, sa pagtataguyod ng Ministri ng mga Mangingisda ng Panglalawigang Simbahan ng Cavite (Diocese of Imus), nagsamasama ang mga mangingisda  ng mga bayan ng Cavite na kapit sa Manila Bay Ginanap ang KARAKOL SA DAGAT (fluvial procession) ng mga bangkang mula sa lahat ng bayan mula Ternate hanggang Bacoor, at nagtagpo sa Cavite City kung saan ginanap ang isang Misa at mga Pagtalakay sa Pagpapaunlad sa Buhay-Mangingisda kasama na ang mga suliraning dapat lunasan. Inihayag ang pagtatagumpay ng simpleng artificial corals sa Rosario na pinamamahayan na at nilalakihan ng lapu-lapu at iba pang mga isda. Ang artificial corals sa Rosario ay puedeng gawin din sa ibang mga bayan. Ipinahayag din ang pagaaral sa PAYAO ng Palawan na mga pabahayan din ng isda na puedeng gawin din dito sa Manila Bay upang payamanin ang dagat at palakihin ang kita ng mga mangingisda. Sa problema sa illegal fishing, inihayag ang tatlong bagong patrol boats sa ipinauubaya sa mga samahan ng mangingisda ang pamamahala para sa mas epektibong pagbabantay-dagat, sa pakikipagtulungan sa Philippine National Police at iba pang mga ahensya ng pamahalaan.
Sa Karakol sa dagat na tumagal ng may walong (8) oras, isinakay sa mga bangka ang mga Patron ng iba’t ibang mga simbahan  ng  baybaying Manila Bay at sinubaybayan ng  napakaraming ibang mga bangka ng mga mangingisda.
Naging tampok ng KARAKOL SA DAGAT ang Misa na pinamunuan ni Fr. Romeo Ner  ng Kawit, Cavite at sinamahan ng maraming mga pari. Ipinaliwanag ni Fr. Ner na ang Pagsasama-samang  iyon ng mga mangingisda ay simula lamang ng isang pangmatagalang programa ng Diocese of Imus para maitaguyod ang kapakanan ng mga mangingisda. Ang paglulunsad ng programa ay kaugnay ng Ginintuang Jubileo (Golden Jubilee) ng Diocese of Imus.

No comments:

Post a Comment