BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

WANTED SA PANANAKIT NASAKOTE


CAVITE CITY––Isang 32 anyos na binata, tricycle driver na wanted sa kasong slight physical injuries, ang naaresto ng mga elemento ng Warrant at Intelligence section sa isinagawang operasyon kontra wanted person sa Brgy 47-M A. Del Rosario Street nitong nakalipas na Nobyembre 20,bandang alas 3:00 ng  hapon.

Sa direktang superbisyon ni P Supt. Ruben Bawaan Andiso, hepe ng pulisya inaresto nina PO2 Edgie Portacio, Warrant section, PO2 Michael Marquez, PO3 Marbert Sto Domingo, PO1 Dann Czar Rosales at PO3 Ronald Nabos ng Intelligence section ang isang Jeffrey Molina y Briones residente ng nasabing lugar.

Base sa ulat inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu at nilagdaan ni Hon. Judge Zandra T. Bato, MTC Branch 2 Cavite City nitong Setyembre 3,2013 sa ilalim ng criminal case number 113-2012 na may kaukulang piyansang Php1,000.

Sa ulat ng korte dakong alas 8:00 ng gabi noong Agosto 2011 ng ipagharap ang suspek ng biktimang si Nerrisa Guevara na  umano'y pinalo ng barangay logbook nito sa ulo na naging dahilan ng pagkasugat nito. (REY MORALES)

VOL. 11      BLG. 20      DISYEMBRE 1-7, 2013